31/07/2020
Online Seller etiquett
1. NEVER ASK sinong "supplier" ng supplier mo, kung saan siya kumukuha o kanino. Pinaghirapan nya yun kaya paghirapan mo din. 😁
2. Okay lang pumares ng paninda pero wag naman pati CAPTION gayahin mo pa 😅 Wala ka na ngang originality halata pang nanggaya ka lang.
3. Wag itanong kung magkano ang tubo ni seller sa item na binebenta nya o kung magkano nya nakukuha ang item Respeto lang din sahod ng diba pilit sinesekreto ng iba? ganun din sa online na pagbebenta.🤣
4. Kung magreresell ka, magpaalam ka para di nabubulaga yung supplier na yung photos nya nasayo na. 😊
5. Kung mataas ang presyo ng ibang seller hayaan mo sila, Huwag ka magkumpara at magbida porke't mababa yung presyo mo. Malay mo supplier - reseller - reseller na yun kaya ganun ang patong (Di OVERPRICED), tulad mo baka gusto lang din naman nila kumita pasalamat ka kung direct ka. 😌
6. Kung friend mo ay online seller din at may pareho kayong paninda kung may magcomment sa kanya ng "HM" huwag mong i-PM ng palihim that's panunulot my dear. Apply the GOLDEN RULE, wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin din sayo. 🙄
7. Wag kang manira ng paninda ng iba. Yung mga comment na "ay di yun epektib, ay fake, ay di yun maganda" kahit na okay naman yung tinda nila. Hindi ka aangat sa ganyang paraan may karma yan, Hindi sagot ang paninira sa kapwa online seller para makabenta ka.
8. Mag add ng prospect buyer is okay, pero i-add yung buyer ng friend mo is not okay hayaan mong ikaw ang i-add kung talagang maganda ang product mo, Swerte mo na din kung irefer nung friend mo yung buyer sayo.
9. Minsan BUYER din tayo kaya Umorder ng naaayon sa ANDA, Di yung kapag may sale mine ka ng mine sabay kapag invoice na nawawala ka. Ikaw mismo ayaw mo ng JOY reserver dahil online seller ka kaya wag ka din maging JOY RESERVER SA IBA! 😤😠
10. Never tell your secret recipe, Sa paningin ng iba nagdadamot ka (minsan kaibigan mo pa) pero dun ka kumikita.
CTTO