29/01/2024
Sa pakiramdam ko, ang daming online sellers na biglang nawawalan ng gana. Biglang hindi mo na sila nakikita na dumadaan sa wall mo. Weeks, months minsan halos taon na. Yung tipong namimiss mo yung mga araw na napapanood mo sila at nabubudol ka ng kung ano ano. Minsan bultuhan at inaabangan mo talaga sila mag LIVE.. Nakakalungkot 'to. Pero kahit kaming mga online seller, dumadating din talaga sa panahon na pinang hihinaan na ng loob. Nawawalan na ng Gana..minsan aalis tapos babalik at magsisimula ulit.. Paulit ulit yung routine.. Panahon na gusto ng isuko lahat ng naumpisahan at pinag hirapan sa linya na 'to.
And that's valid! Minsan kase, kailangan din naten mag refresh. And clear our thoughts. Kung, ito ba talaga gusto nating tahakin na hanapuhay. Kung para dito ba talaga kami.
Maraming struggles sa negosyo. Maliit man yan o malaki. Kung titignan, parang ang dali lang ng buhay negosyante. Madaling tignan sa paraan na nakikita niyo na puro positive thoughts, puro sold items. Puro winning situations.
Pero you'll never know yung nangyayari behind the scenes. Yung pagod, rejections, tumal, pagkalugi, down moments, pakikipag talo sa mga customers na hindi maka intindi pero sa lahat ng behind the scenes, sobrang hahangaan mo talaga lahat ng negosyante kung pano sila nag tyaga at nagpakatatag.
Kaya para sa mga tulad kong negosyante
SOBRANG PROUD AKO SA SAINYONG LAHAT! 🙌🏻👏🏻 LALO NA PAG KAYA NYO PA PAGSABAYIN ANG TRABAHO AT NEGOSYO! Tawag Jan DISKARTE!
MATAAS ANG RESPETO KO SAINYO MGA BOSS 💪🏻.
EVERYONE DESERVES A GREAT SUCCESS. SPECIALLY FOR THOSE WHO WORK HARD FOR IT. KAYA WAG TAYO MAGMADALI. MAY KANYA KANYA TAYONG PANAHON. IKA NGA TRUST THE PROCESS 💯
ANG MAHALAGA, NAGPAPATULOY KA SA LIKOD NG IYONG PINAGDADAANAN.
AT WAG NA WAG KALIMUTANG MAGPA SALAMAT PANGINOON SA
KALAKASAN, KARUNUNGAN at PROTEKSYON AT SA LAHAT NG BIYAYANG BINIBIGAY NYA. KUNG HINDI DAHIL SAKANYA HINDI NATEN TO MAGAGAWA AT MAKAKAYA. 👊🏻 ALWAYS LOOK POSITIVE LANG MGA BOSS! Sa simula lang yan! Para Saan pa at makakaahon din tayo! 🫶❤️🫰🏼☝🏻 GODBLESS SA LAHAT NG MGA NAG NENEGOSYO!