28/09/2026
Realization lately… 🤍
Mahirap pala, pero masarap din ang bumukod. Yung kayong apat lang ikaw, ang asawa mo, Kapatid mong bunso at ang anak mo. Walang ibang aasahan kundi kayo-kayo rin.
24/7 ang trabaho. Walang time-in, walang time-out. Minsan, hindi mo na namamalayan na buong araw ka nang kumikilos at nakalimutan mo nang mag-break. Kapag wala ang kapatid mo para magbantay sa anak mo at nakatulog na saka mo naman hahabulin ang mga gawaing bahay. At bago mo pa matapos ang lahat, panibagong araw na naman. 🥹
Nakakapagod. Sobra.
Pero sa lahat ng pagod na ‘to, sobrang thankful ako sa asawa ko. ❤️
Kahit pagod din siya galing trabaho, kapag napapansin niyang pagod na pagod na ako, hindi niya ako hinahayaan na akuin lahat. Sasabihin niya na magpahinga muna ako, at siya na ang gagawa ng mga gawaing bahay.
Hindi naman kailangan ng grand gestures para maramdaman mong mahal ka. Minsan, sapat na yung taong nakikita ang pagod mo kahit hindi ka nagsasalita and chooses to help.
Thank you for being my partner, not just in life, but in this beautiful, messy, exhausting journey of raising our family. 🤍
Mahirap bumukod, pero kapag kasama mo ang taong marunong umunawa, tumulong, at magpahinga kasama mo sa gitna ng pagod… somehow, nagiging mas magaan ang lahat. 🥹❤️
So thankful for this man