28/06/2026
Nung nabuntis walang pagaalinlangan, I stopped college, as I remember 2nd week ko palang sa school nun nalaman ko na buntis ako sayo. Lagi ko ng naririnig "sayang kang bata ka", "Sayang mga pangarap mo"
Nasa part ako na dinamdam ko yun without having know na ikaw din pala yung magiging kasangga at inspiration ko to pursue my dreams.
Nung nagenroll ako nagdadalawang isip ako, kase hands on ako, plus breastfeeding mom ako 🥲 1st year ko online class no one knows habang nag kaclass ako minsan buhat pa kita at binebreastfeed.
Pinalaki kita na nakita mo yung sacrifices at hard work ni mami, kaya gets ko bat sinasabi ng iba na "takot sayo si yana noh" hindi sya takot, sadyang alam nya lahat ng ginagawa ko for her.
I never stop dreaming, sabi ko sa sarili ko "bawal mapagod" ,"Dapat makatapos ako not for myself, for us".
Graduate na ko. Plus nabibigyan ko pa ng magandang life yung anak ko.
I can literally say "We make bad decisions, pero there's always a choice to make it right, and be a better person."
If nag stop ka sa school in your own reasons, No worries darating yung oras at panahon na maabot mo yung diploma mo.
If you have dreams & Goals na naudlot, work hard.
Thank you little one for being good girl habang nag school si mami💝 Everything is for you ❤️