09/08/2026
#๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐ (๐๐๐๐๐๐)
Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐๐ง๐๐ข๐๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐ฅ๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ ๐๐ญ ๐ฉ๐ซ๐ข๐๐๐๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐จ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ฏ๐ ๐๐๐ข๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ง๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐๐, ๐๐๐๐.
Ang suspensyon, na ipinatutupad sa ilalim ng Executive Order No. 22, Series of 2026, ay isang hakbang na pangkaligtasan bunsod ng patuloy na epekto ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat at ng inaasahang pagpapatuloy ng malalakas na pag-ulan sa lalawigan.
Batay sa mga Heavy Rainfall Warning na inilabas ng DOST-PAGASA mula Agosto 8 hanggang ngayong Agosto 9, ang ibaโt ibang bahagi ng Nueva Ecija ay isinailalim sa ๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ, ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐, ๐๐ญ ๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐ฌ. Sa pinakahuling Heavy Rainfall Warning No. 34 na inilabas ngayong 11:00 AM, Agosto 9, ang mga bahagi ng lalawigan ay nasa Red, Orange, at Yellow Warning Levels.
Dagdag pa rito, sa konsultasyon sa Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center (PRFFWC) ngayong Agosto 9, ipinaabot na ang inaasahang lagay ng pag-ulan sa Nueva Ecija bukas, Agosto 10, ay maaaring magpatuloy sa kaparehong trend na naranasan noong Agosto 8 at 9, kabilang ang Yellow, Orange, at Red rainfall conditions.
Bilang pag-iingat, minarapat ng Pamahalaang Panlalawigan na suspendihin ang mga klase upang mabawasan ang panganib dulot ng malakas na pag-ulan, posibleng pagbaha, at mapanganib na kondisyon sa pagbiyahe, at higit sa lahat upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong komunidad.
Hinihikayat ang lahat ng Novo Ecijanos na manatiling alerto, mag-ingat sa pagbiyahe, iwasan ang pagtawid o pagdaan sa mga lugar na binabaha, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, PRFFWC, PDRRMO, at mga lokal na awtoridad.
Para sa mga lehitimong anunsyo at impormasyon, i-like at i-follow ang official page ng Provincial Government of Nueva Ecija (PGNE).
๐๐๐ -๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ, ๐๐จ๐ฏ๐จ ๐๐๐ข๐ฃ๐๐ง๐จ๐ฌ! ๐