18/08/2026
As a small business owner for almost 8 years, masasabi kong normal talagang dumaan ang negosyo—lalo na kaming maliliit na negosyante—sa mga panahong halos walang kita dahil sa “tumal” o “gawat.” Pero hindi basta-basta pwedeng sumuko, dahil hindi lang sarili at pamilya namin ang umaasa sa negosyo. May mga empleyado rin kaming dito kumukuha ng pang-araw-araw nilang pangangailangan.
Pero masasabi kong ibang klase ang hirap ngayon. Mas matumal ang negosyo, mas mataas ang gastusin, at mas maraming bayarin. Umaabot na sa puntong kailangan pang mangutang para lang maitawid ang operasyon at patuloy na mapasahod ang mga taong umaasa sa amin. 😓
Nakakapanghinayang isipin na yung negosyong dati mong pangarap at ipinagdarasal, ngayon ay kailangan mong ipaglaban araw-araw para lang manatiling bukas. Dagdag pa rito ang napakaraming requirements, permits at bayarin na kailangang sundin para hindi ma-penalty—pero bilang maliit na negosyante,mahirap maramdaman kung saan napupunta o kung ano ang naibabalik sa amin ng mga binabayaran namin, bayad na lang ng bayad wala namang benepisyo mula sa gobyerno😓
Sa mga kapwa ko small business owners at online sellers, kapit lang. Mas ipagdasal pa natin ang mga negosyong ipinagkatiwala sa atin ng Panginoon. 🙏🏻
At sa lahat ng miners at customers namin, maraming-maraming salamat sa walang sawang suporta. Hindi ninyo alam kung gaano kalaking bagay ang bawat order, bawat mine, at bawat pagbili ninyo. Sa panahon ngayon, hindi lang negosyo ang sinusuportahan ninyo—pati ang mga pamilyang umaasa rito. 🥹❤️
At bilang mga mamamayan, sana maging mas mapanuri tayo sa pagpili ng ating mga lider. Bumoto tayo nang responsable at piliin ang mga taong tunay na makakatulong sa mga ordinaryong Pilipino at maliliit na negosyante. 🇵🇭🙏🏻