04/02/2026
GINOONG COCOLUNAY 2026
💜 VHON BRYAN DELA CRUZ Ginoong Sta Rosa 💜
BEST IN COSTUME
Isang Pagpupugay sa Mulanay
Nagsimula sa isang payak na guhit, hanggang sa maging isang ganap na obra-maestra—ito ang pambansang kasuotang nag-uugat sa mismong puso ng Mulanay, Quezon, na ang inspirasyon ay nagugat mula sa pangalan ng kanyang Bayan, Mulanay na nagmula sa salitang " MALUNAY" o maraming Lunay na katutubung tawag sa sa "Pili wax" na sagana sa kanilang bayan.
Sa masining na kamay ni G. Rey Michael Arida, binuo ang kasuotang ito nang may pagmamahal, tulad ng isang kuwentong hinabi ng panahon, kultura, at wagas na paglingap sa sariling bayan.
Ang bawat tahi ay may saysay; ang bawat disenyo ay sumasalamin sa sipag at pagkakaisa ng mga Mulanayin. Ito ay simbolo ng mga tradisyong tahimik ngunit matibay, at kulturang buhay na buhay sa bawat henerasyon. Payak ngunit marangal—dahil ang tunay na kagandahan ay hindi lamang sa kinang nakikita, kundi sa lalim ng kahulugang kalakip nito.
Ang tampok na disenyo sa likuran ay sumasagisag sa mga pasanin at pangarap ng ating mga mamamayan. Paalala ito na ang Mulanay ay hindi lamang isang lugar sa mapa, kundi isang pagkakakilanlang bitbit ng bawat anak ng bayan—sa isip, sa gawa, at sa puso.
Sa bawat paghakbang ni Ginoong Sta. Rosa, bitbit niya ang kasaysayan at dangal ng kanyang pinagmulan. Sapagkat ang Mulanay ay isang bayang may kuwento, may puri, at may kagandahang karapat-dapat ipagmalaki sa buong mundo!
Disenyo ni: Rey Michael Arida
For Inquiries Please Contact us:
| Rey Michael Arida
09090770257