Phakzzz

Phakzzz all about products

Me'ann Baroto Ca-ayon
18/06/2026

Me'ann Baroto Ca-ayon

Noong nagsisimula pa lang ako, akala ko kailangan laging mababa ang presyo ko para makabenta. Ang mindset ko noon, kapag mura ako, mas maraming bibili.

Pero habang tumatagal sa negosyo, napansin ko may pattern.

Yung mga laging naghahanap ng pinakamura, sila rin kadalasan ang mga 👇
🥲 Mahilig tumawad
🥲 Maraming demands
🥲 Mabilis mag-compare sa iba
🥲 Minsan sila pa ang hindi satisfied

Samantalang yung mga customers na willing magbayad ng fair price, sila yung mas nagva-value ng quality, service at effort na inilalagay mo sa produkto.

Hindi ibig sabihin na tataasan mo na lang basta ang presyo mo. Dapat computed pa rin ang costing mo.

Pero importante ring maintindihan na ang presyo mo ay hindi lang tungkol sa kita. Nagsisilbi rin itong filter kung anong klaseng customers ang maa-attract mo.

Kapag sobrang baba ng presyo mo, minsan naa-attract mo ang mga customers na price lang ang tinitingnan.

Kapag tama ang pricing mo, mas naa-attract mo ang customers na nakaka-appreciate ng quality at professionalism.

Remember this:

Hindi mo kailangang maging pinakamura para magtagumpay sa negosyo.

Mas importante na sustainable ang negosyo mo at may profit na sapat para magpatuloy ka sa ginagawa mo.

Quality customers value quality work. 💛

18/06/2026

Me'ann Baroto Ca-ayon pohon

Address

Brgy Creekside Brgy Pontod
Hilongos
6524

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Phakzzz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share