SiDi

Directions Contact the business

SiDi Confession page. you can share your story/experience in this page. This is the format po. Title,
Age, kasarian, and story please

And please follow our page.
(3)

Thanks

26 years old, FemaleHello SiDi, I wanted to share my story dahil pakiramdam ko, maraming tao ang kagaya ko.Nagsimula ako...
03/10/2026

26 years old, Female

Hello SiDi, I wanted to share my story dahil pakiramdam ko, maraming tao ang kagaya ko.

Nagsimula akong ma-engage sa sugal last 2025. Nakita ko kasi na ang kuya ko ay may nilalaro sa cellphone at literal na nananalo siya ng pera. Sinubukan kong mag-sign up sa online sugal platform na iyon at tumaya.

Noong umpisa, 1k–2k lang ang kina-cash in ko at nalalakihan pa ako sa halaga na iyon. Pakiramdam ko ay sobrang laki na ng pera na iyon kaya kailangan kong manalo. Sa mga unang pagkakataon, palagi akong panalo sa slot games. Yung 1k ko, minsan naging 10k at marami pang iba. Hanggang sa ang isang libo ay parang naging barya na lang sa akin. At masasabi kong na4dik ako.

Around December last year, natalo ako ng 20k at iyon ang pagkakataon na sinabi ko sa sarili kong ayaw ko na.

Pero matapos ang ilang buwan, nag-relapse ako at nanalo ulit ako. Dahil sa laki ng napanalunan ko, naging sakim ako at naging greedy. Hindi ako nakuntento. Lalo akong nahilig at laging nasa isip ko yung panalo.

Hanggang sa hindi ko namamalayan, ang mga libo ay tuluyang nagiging barya na lamang sa akin. Sunod-sunod na araw akong natatalo. Pinakamalaking talo ko ay 100k sa loob lamang ng 10 minutes. Hindi pa ako huminto. Tuwing may darating na pera sa account ko, sinusugal ko iyon.

Maganda ang kita ko at may maayos na trabaho, pero para akong nag-ibang tao dahil kapag hindi ako nakakapagsugal, hindi ako mapakali. At madalas ay parang may bumubulong sa akin. Pakiramdam ko, okay lang ang magsugal dahil panalo naman ako. Hindi ko naisip na halos naubos na ang pera na napanalunan ko at nadamay na rin ang mental health ko.

Ngayong araw na ito, nag-cash in ako ulit ng 15k. Nagbabakasakaling mababawi ang daan-daang libong natalo, pero ako'y natalo muli. Hindi ko na naiisip ang halaga ng pera na dapat ay inilaan ko na lang sana sa ibang bagay, o ginamit para lumabas kami ng aking pamilya.

Sa totoo lang, nakakapagod at talagang nakakalungkot ang nangyayari sa akin. Pero sa araw na ito, nakapagdesisyon na ako. Hindi na ako kailanman magsusugal.

Ipinagkatiwala ko sa aking asawa ang lahat ng aming pera. Kung may papasok man, sisiguraduhin kong sa bangko ng asawa ko ito mapupunta. Napag-isip-isip ko na hindi ganoon kabilis na maitatak sa isip ang tukso ng sugal, pero may dapat gawin para mapigilan ito, at una na doon ay ang pagiging bukas sa taong alam nating makakatulong sa atin.

Ang lahat ng panalo ko ay parang dumaan lang na hangin. Kung tutuusin, nabawi at natalo pa nga ako.

Na-realize ko na wala talagang nananalo sa sugal kundi ang mga taong nasa likod lamang nito.

Hangga't hindi pa huli ang lahat, iwaksi at itigil na. Dahil hindi lang basta pera ang puwedeng maubos, kundi ang mga tao sa paligid mo, mga nagmamahal sa'yo, mga bagay na meron ka sa ngayon, at higit sa lahat, ang sarili.

Hello po. Ako po pala si D. Nalulong po ako sa sugal at nabaon sa utang ng almost 500k. Stress na po ako kung paano baba...
03/10/2026

Hello po. Ako po pala si D. Nalulong po ako sa sugal at nabaon sa utang ng almost 500k. Stress na po ako kung paano babayaran ang mga utang ko. May trabaho pa naman ako ngayon, pero 25k lang ang sahod ko monthly at kulang pa pambayad sa mga utang ko.

May asawa at isang anak din po ako. Alam ng asawa ko na may utang ako, pero hindi niya alam na ganito na kalaki.

Ngayong araw lang, natalo ko ang 14,500 na sahod ko. Nagbakasakali akong mabawi ang talo ko, pero hindi pala. Mas lalo lang pala akong nabaon nang husto. Nabenta ko na rin ang dalawang motor ko at nagkautang sa maraming kakilala ko. Sino-sino na lang ang hiniraman ko para ipangsugal lang.

Gusto ko na talaga huminto sa sugal, pero may mga time na naiisip ko, β€œWhat if mabawi ko kaya?”

Paki-tagΓ΄ na lang po ang pagkakakilanlan ko. Salamat po.

Sarap kaya sa feeling dahil wala ka nang access sa online gambling dahil nagpa-self-exclusion ka na.Dahil kasi last Apri...
02/10/2026

Sarap kaya sa feeling dahil wala ka nang access sa online gambling dahil nagpa-self-exclusion ka na.

Dahil kasi last April lang ako nag-start sa online gambling. Tapos sa first week pa lang, halos nanalo ako dahil taya ko ay 200. Oo, may mga nagastos naman, pero grabeβ€”kinabukasan ng tanghali, naglaro ulit ako. Sabi ko, 5k lang ipapatalo ko, pero wala pang 2 oras, ubos ang mahigit 200k dahil hindi ko nakontrol.

Pucha, yun na pala ang simula ng kalbaryo ko.

Sa mga dumaan na buwan, halos nalulong ako. Pati yung sweldo ko, naitataya ko. Tapos dahil desperado ako, may mga OLA na akong nautangan para lang makabawi.

Pero grabe yung epekto. Kahit ilang beses ka nang magdesisyong tumigil, parang may ibang tao sa isip mo na nagtutulak sa'yo na maglaro ulit, hanggang matalo at magsisi ulit.

Tapos may time pa na nasasaktan ko na yung sarili ko dahil yung dapat panalo ko na, naipatalo ko pa ulit. Ending, nasama pa yung dapat nasa savings ko.

Grabe yung epekto ng chasing of losses na yan. Hindi mo na nga mabibilang yung mga napapatalo mo kasi mas naiisip mo kasi yung manalo ka.

Pero ngayon, 1 week na akong walang access sa lahat ng online gambling dahil may 5-year self-exclusion na ako sa PAGCOR.

Inaayos ko na ulit ang sarili ko at may konting utang ako na binabayaran ko.

May mga lesson din akong tumatak sa akin na dapat talaga may self-control ka dahil kung wala, talagang mauubos ka.

Hindi naman kasi ako dati interesado dyan sa online gambling na yan. Epekto talaga ng impluwensya, lalo na kapag mga kalapit sa pamilya mo ang nag-engganyo sa'yo para matukso at malulong ka.

Ngayon, sumpa na sa akin yan at may trauma na ako.

Wala tayong aasahan sa gobyerno ngayon kundi sarili lang ang kailangan natin para magbago tayo.

SA SUGAL KO NARANASAN ANG ADDICTION NA HINDI KO NA GUSTONG BALIKANHi Sidi, please hide my information. β™₯️Sa sugal ko nar...
02/10/2026

SA SUGAL KO NARANASAN ANG ADDICTION NA HINDI KO NA GUSTONG BALIKAN

Hi Sidi, please hide my information. β™₯️

Sa sugal ko naranasan ang addiction na hindi ko na gustong balikan.

Sa mga influencers at vloggers diyan na nanghihikayat na magsugal dahil β€œeasy money,” please lang. Habang kayo ay kumikita ng libo-libong commission, ang mga kapwa Pilipino ninyo na umaasa sa pagkapanalo ay unti-unting nasisira ang buhay. At may mga nahihikayat pa rin kayo para lang malugmok sa kahirapan. Kaya please lang, itigil niyo na ang pagco-content ninyo tungkol sa ONLINE SUGAL!

Way back 2023/2024, nahikayat akong maglaro ng isang kaibigan. Unang nilalaro ko noon ay M****** . Sa unang laro ko, talo-talo pa, pero nung nanalo ako ng 2.5k, sobrang saya ko na. Hanggang sa nakakapuyat na ako para lang mag laro.

Hanggang sa natutunan ko yung larong β€œ**** Nabagsakan ako ng mini panalo. hanggang sa natalo rin lahat. Naipatalo ko lahat ng hawak kong pera.

Hanggang sa nag-relapse ako. Mga 6 months din bago ko naibalik na naman ang pagsusugal dahil sa pagkawala ng trabaho. Kako pa noon, kung hindi na ako magtatrabaho, mas malaki pa ang kikitain ko sa sugal sa isang araw. Pero dito na pala ako malulugmokβ€”sa SUGAL.

Ngayong taon lang na ito, grabe ang addiction ko sa sugal. To the point na kahit 40K ang hawak kong pera, naipapatalo ko pa rin. Nagpapacash-in ako nang makailang ulit na walang kasiguraduhan kung may maipambayad ba ako.

Hanggang sa yung naipacash-in ko ay umabot ng 15.5k na hindi ko namalayan na naisugal ko lang. Naulit na naman yung ganoong scenario dahil unti-unti na akong nakabayad sa mga naipatalo ko.

Hanggang noong June 1, akala ko papaldo kasi unang pasok ng buwan. Kako, swerte ako. May hawak akong 7K na cash. Nagpacash-in ako ng β‚±2,500, pambayad ko sana sa store na pinagpacash-inan ko. Hanggang sa nadagdagan yung nailagay sa GCash ko.

Doon, hindi na ako nakuntento. Nangibabaw ang pagiging ganid ko dahil baka lumaki pa ang pera ko. Ang ending, nagpa-cash-in ako nang nagpa-cash-in sa kaibigan ko. Umabot ng 18K ang naipatalo ko.

Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pambayad. Kung kani-kanino na ako tumatawag at gumagawa na lang ng mga kasinungalingan para mapahiraman ako, pambayad lang sa pinatalo ko sa sugal.

Pati pambili ng school supplies ng mga anak ko na bigay ng papa ko, naisugal ko pa.

Dahil sa katangahang ginawa ko, nagkautang ako sa lending at Bumbay. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad. Nagdodonate ako ng dugo para lang may maisugal.

May nautangan pa akong kaibigan ng 6K, 5K sa papa ko, at may mga tao rin akong nautangan. Ginamit ko pa ang mga anak koβ€”kunwari ay ibibili ng mga gamit para sa pasukan, pero ang totoo, pambayad lang sa naipa-cash-in.

Awang-awa ako sa mga anak ko dahil hindi ko na sila natututukan. Ni pagpapakain at pagpapaligo, hindi ko na nagagawa sa kanila. Lagi pa akong pasigaw kapag natatalo ako.

Umabot ako sa puntong sobrang bigat na ng lahat at nawalan na ako ng pag-asa. Mabuti na lang at naisip ko pa rin ang mga anak ko at pinili kong magpatuloy.

Hindi alam ng asawa ko ang lahat ng nangyari hanggang sa hindi pa rin ako tumitigil. Yung tipong naipapanalo ko naman, pero wala talaga akong kuntento. Pagiging ganid pa rin ang nangibabaw sa akin.

Hanggang sa nawalan ako ng trabaho. Doon ko na-realize kung gaano kahalaga ang pera at kung saan ako kukuha ng ipambabayad ko.

Hanggang sa nagtanong na sa akin ang asawa ko kung nagsusugal pa ba ako. Siguro, way na rin ng Itaas na sabihin ko na para lumuwag-luwag na rin ang dibdib ko.

Sobrang pinag-awayan namin, pero awa ng Diyos, hindi niya ako iniwan sa gitna ng laban ko. Bagkus, siya pa ang sinandalan ko at nagbibigay ng pambayad ko.

May mga time na kapag nandiyan na yung collector ng lending ko, magagalit siya at may masasabi. Sising-sisi ako sa mga pinaggagawa ko.

At hanggang ngayon, sising-sisi pa rin ako kung bakit pinasok ko ang SUGAL.

Kapag pala wala ka na talagang masasandalan, lumapit ka lang sa Itaas dahil Siya mismo ang tutulong sa iyo at gagamit ng instrumento para makapag-isip ka nang tama.

Ngayon, nabawasan na ng isang lending. May hinuhulugan na 40 pesos sa isang araw, pero hindi pa rin alam ng asawa ko yan. May 100 pesos na weekly sa isang loan na pinag-loanan ko para may pambili lang ng school supplies ng mga anak ko noong pasukan.

Ngayon, masasabi ko na hindi na ako natutukso. Kahit pa may laman ang GCash ko at may pa-free spin pa yung isang site na pinaglalaruan ko, hindi na ako nahihikayat at natutuksong magsugal.

Pinapagana ko na ang isip ko. Sana ay magtuloy-tuloy na.

Hinding-hindi ko na ulit lilingunin ang SUGAL na yan dahil yan ang sumira sa buhay ko, at lalong-lalo na sa buhay ng mga anak ko.

Mag-2 months na rin akong hindi nagsusugal. Nawa’y gabayan pa ako ng Itaas para magtuloy-tuloy na ang pag-iwas ko sa sugal na yan.

Kaya sa kapwa ko na dating nagsusugal at sa mga taong hanggang ngayon ay nagsusugal pa rin:

ITIGIL NIYO NA YAN!

Huwag niyo nang hayaang yan ang humubog sa inyo, dahil ang taong nalulong ay kayang-kayang mag-imbento ng kwento para lang may maisugal.

MAGSUMIKAP. MAGTRABAHO. ALIWAN ANG SARILI PARA MAKAUSAD KA NA. πŸ’ͺ

Hi Sidi, nahihiya ako mag-share pero this time, sobrang sakit nang kimkimin. 😭😭 Wala akong ibang mapagsabihan, parang sa...
02/10/2026

Hi Sidi, nahihiya ako mag-share pero this time, sobrang sakit nang kimkimin. 😭😭 Wala akong ibang mapagsabihan, parang sasabog na ako! Hindi ako ’to. Hindi ito ang gusto ko. πŸ’”πŸ’”

Galit ako sa mga taong nagsusugal. Every time nakakarinig ako ng mga nasisirang pamilya dahil doon, na imbes na pagkain ang ibili, ipangsusugal pa. Oo, ang dami kong panghuhusga sa ibang tao. Pero deep inside, ako din pala ’tong isang nagsusugal, isang nalulong. πŸ’”πŸ’”

Masakit man isipin kung bakit ako napunta sa sitwasyon na ’to. Nakaya kong makaalis nang paulit-ulit, pero ako ’tong balik nang balik. Totoo talaga ang relapse kapag naiisip mo na baka madagdagan man lang pambayad mo. Imbes na bawas utang, ending, wala na ’yung pambayad!! Ang TANGA-TANGA ko. Gusto ko na lang humagolhol sa pagsisisi. 😭😭 Wala na akong dapat gawin kundi tanggapin ’to. Oo na, BOBO, TANGA, LAHAT NAβ€”AKO ’YON.

Kapag nagsusugal ako, grabe ang panginginig ng buong katawan ko! Grabe ang lason sa utak ko at nakakaya ko pa rin ’yon! Pero this time, konti na lang, bibigay na katawan ko. πŸ’”πŸ˜­

Ayoko mangako, pero pagod na pagod na ako! πŸ’”πŸ’”πŸ’”πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­

Please lang, lahat ng payo, sumbat, pangangaral sa akin, ibigay niyo na. Kapag nag-trigger ulit ako, itong kwento ko ang babalikan ko. Lahat ng ilalagay niyo ay babasahin ko. 😭😭

Dear SiDi, please hide my identity.I was once a responsible housewife and mom to my husband and children. I dedicate all...
01/10/2026

Dear SiDi, please hide my identity.

I was once a responsible housewife and mom to my husband and children. I dedicate all my time and attention to them. Kahit na gaano kami nakaranas ng hirap before, never in my wildest dream na mag-ubos ng pera sa sugal o gawin itong source of income.

But then came 2024, natuto ako sa online gambling. Dahil nakatikim ako ng panalo, I became addicted to it, thinking na lagi akong mananalo.

Hanggang sa hindi ko namamalayan na sa bawat talo ko, andun yung gigil na makabawi ako. Naubos ko ang lahat ng pera namin, at ang pinakamasama, ginalaw ko ang pera na hindi naman para sa akin.

Sobrang lugmok na ako. Nagkaroon ako ng work, pero naipapatalo ko sa sugal ang pera ko. Ang hirap labanan ng urge, SiDi.

Hoping and praying na makabangon ako sa kinasasadlakan kong sitwasyon at nawa ay makapag-ipon ulit ako para sa pamilya ko. At higit sa lahat, sana maibalik ko ang mga tiwalang nawala. πŸ₯Ή

Hello po, please hide my identity po.I'm 25, a housewife, and may anak. I learned gambling dahil sa asawa ng kapatid ko....
01/10/2026

Hello po, please hide my identity po.

I'm 25, a housewife, and may anak. I learned gambling dahil sa asawa ng kapatid ko. At first, I thought it was fun kasi nagkakapera. I first saw the fishing game.

Until I tried it and registered and cashed in 500. Then, nagsunod-sunod na yun. Until I got into debt. I was jobless at that time. And luckily, my partner helped me pay everything.

Fast forward, I got pregnant. Since laging puyat that time at ako lang din ang gising dahil sa newborn, nag-gamble ulit ako. I took a loan using my partner's account. He didn't notice that. I won already, pero I gambled it. I was looking and urging for higher wins. But I lost, so after malaman ng partner ko, nag-away kami. But then, pinatawad niya ako and nag-promise ako na di na ako uulit. This was in 2024–25. Yes, I quit during that time.

But I started to gamble again since nabibigyan niya na ako ng sariling allowance this 2026.

He didn't know na pati savings and emergency fund namin, naubos ko na sa sugal. I don't know where to talk since no one knows about this situation, and I'm shy and scared na umamin sa ginawa ko.

I lost 40k, and if isasama pa ang mga winnings, aabutin na yun ng almost 100k+ within the span of 2 months lang.

Nakakapanlumo pag binabalikan ko yung talo ko, pag tinitingnan ko mga deposits ko and cash-ins sa E-wallet. Until now, di pa rin ako umaamin. I am lost, and I know that I am already addicted.

Gusto ko na kumawala kasi di lang pera ang nauubos, pati isip at utak ko parang naisusugal ko na.

There's a lot of realization sa sugal. Una, papanalunin ka for the bait, and after that, you will lose so much more. Totoo po pala yung sinasabi nila na walang nanalo sa sugal.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana di na ako sumubok sumugal. Di sana malaki ang ipon at walang utang.

Please stop gambling. Please give some advice since I can't open up. I am not ready pa po. I don't have someone to talk with.

Please don't judge me po.

Hi Sidi, please hide my identity. 30 F. Sobrang bigat ng dinadala ko ngayon. Dati, sobrang tipid ko pagdating sa pera, p...
01/10/2026

Hi Sidi, please hide my identity. 30 F. Sobrang bigat ng dinadala ko ngayon. Dati, sobrang tipid ko pagdating sa pera, pero mula noong sinubukan ko ang online gambling, wala nang natira sa akin. Lubog ako sa utang.

Ang pinakamasakit, Sidi, 2 beses akong tinulungan ng asawa ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bumalik na naman ako. Ngayon, hindi alam ng asawa ko na may malaki na naman akong utang, at wala na akong balak ipaalam pa dahil sobrang awa at hiya ko sa kanya.

Gustong-gusto ko nang mawala, Sidi, sa sobrang hiya, pero tinatatagan ko ang loob ko, Sidi. Dahil tuwing pabiro kong sinasabi sa asawa ko na sarap nang mawala, lagi niya akong pinapaalala na makasarili ako kapag ganoon ang nasa utak ko dahil hindi ko iniisip ang pamilyang maiiwan kapag ginawa ko.

Araw-araw kong pinagsisisihan ang mga maling desisyon ko sa buhay. πŸ₯Ί

Sa ngayon, Sidi, 1 buwan na akong hindi nagsusugal. Gustong-gusto kong makabangon at bumawi sa pamilya ko, Sidi, pero hirap na hirap ako dahil ang sahod ko at sahod ng asawa ko ay napupunta lang sa mga pinagkakautangan ko. Sobrang hirap kapag watak-watak ang mga pinagkakautangan. Wala ka talagang peace of mind. πŸ₯Ί

Sa mga mommies na kagaya ko na nagsusugal, please itigil n'yo na po para hindi mawala ang peace of mind at kung anong meron kayo at ng pamilya n'yo ngayon.

Hi Sidi, please hide my identity. Gusto ko lang kasi i-share ang problema ko para kahit papaano ay gumaan ang nararamdam...
30/09/2026

Hi Sidi, please hide my identity. Gusto ko lang kasi i-share ang problema ko para kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman ko.

Hi, you can call me L. I'm 29 years old and sobrang stress dahil sa sobrang laki ng utang, at hindi ko na alam kung paano babayaran lahat-lahat.

May utang ako sa classmate ko. Una, hindi pa gaano kalaki, mga 10k–20k lang, hanggang sa time na nangutang ako sa bayaw ng ex ko noon ng almost 20k din at sa ate niya 20k din. Maliit lang kasi ang interest sa classmate ko, 4% monthly lang, so kaya siyang bayaran ang interest monthly. Hanggang sa nagkasakit ang papa ko at walang ibang sumusuporta financially kundi ang mama at ako. Sinuportahan ko pa ang kapatid ko sa allowance niya every week since nag-volunteer pa siya noon for teacher.

2023, namatay papa ko. Hindi na ako nakabayad ng interest sa classmate ko at ngayon umabot na siya ng almost 172k dahil sa interest na more than 1 year ko hindi binayaran. Din nag-away kami ng bayaw ng ex ko dahil nagkautang din ako sa kanya, tapos ako na MISMO ang nagbayad sa amount na yun.

Tapos nagkautang ako sa iba ng 15k, 10k at 35k, all in 10% interest monthly. Sa Maya, 7k, pero ngayon umabot na na 9k. Sa HC, 20k na rin. Sa nobya ng kapatid ko, 130k na daw dahil sa interest at fines na 100 per day na fines, na nakasaad dun sa kasulatan namin.

May utang din ako na 2,500, 3k at 1k, all in 5% daily interest.

Naghahanap pa ako ng extra work ngayon kasi yung kapatid na tinulungan at sinuportahan ko na, at lahat-lahat, wala nang balak tumulong sa akin pabalik.

May work naman ako, kaunti nga lang ang sahod. 😭

Any advice po, please. πŸ™

Kung ipo-post niyo man po ito, please po, paki-hide ang identity ko. Gusto ko lang po maihinto ang nangyayari sa akin ng...
29/09/2026

Kung ipo-post niyo man po ito, please po, paki-hide ang identity ko. Gusto ko lang po maihinto ang nangyayari sa akin ngayon tungkol sa pagsusugal. 😌

Isa po akong OFW sa Middle East. Nagsimula po ako magsugal sa paunti-unting taya. Dati, umiiyak na ako kapag natalo ako ng 100. Nakakatikim po ako ng panalo, pero sobrang laki rin po ng natalo ko. πŸ₯²

Hanggang sa dumating yung time na nandito na ako sa abroad. Nagtataya na ako ng 100, 200. Hindi ko namamalayan, nauubos na pala ako. Umuutang ako kahit kanino. Nagawa ko nang magsinungaling sa asawa ko, sa pamilya ko, at sa mga pinagkakautangan ko. 😌

Nakaka-utang ako na tumutubo kada buwan. Inaasa ko sa panalo ang pangbigay ko sa interest, hanggang sa hindi ko na namalayan na ang sahod ko, buwan-buwan, ay napupunta lang sa talo. Kahit ano ang gawin ko para makabawi, hindi talaga. Mas lalo lang akong lumulubog dahil sa utang.

Ngayon, ubos na ubos na po ako. Ang mga pinagkakautangan ko, sinisingil na ako at pinapahiya. Humingi ako ng tulong sa pamilya ko. Sa awa ng Diyos, hindi Niya ako pinabayaan. Pero hindi pa tapos ang problema ko. Hindi ko pa nabayaran lahat ng pinagkakautangan ko. πŸ˜“

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Takot na takot na ako ngayon. Nakakaisip ako ng hindi maganda dahil sa sitwasyon ko ngayon. Wala akong masisi kundi ang sarili ko.

Gusto ko pa mabuhay, makita ang anak ko at ang pamilya ko. Pero hindi ko na alam kung paano ko pa ito malalampasan. 😭πŸ₯ΉπŸ₯²πŸ™

Please po, hide my identity.

Address

Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SiDi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SiDi:

Shortcuts

Share