17/09/2025
Malugod kayong inaanyayahan ni Mayora Ate Nancy na pumunta at mamili sa gaganapin na Special Bazaar sa darating na September 19, 2025, 8:00 AM – 5:00 PM, sa Makati City Hall Quadrangle.
Tampok dito ang mga Tinguian Ethnic Art Woven Products mula sa Peñarrubia, Abra.
Matutunghayan ang makukulay at makabagong disenyo ng mga tradisyunal na habing Tinguian tulad ng Filipiniana dresses, elegant shirts, long coats, chic blouses, at marami pang iba!
Layunin ng bazaar na ito na itaguyod at ipreserba ang mayamang kultura at sining ng Tinguian community, habang ipinapakita kung paano ito maisasabuhay sa makabagong panahon.
Paalala: Magdala ng sariling eco-bag para sa inyong mga bilihin.