21/03/2020
COVID-19 UPDATE
Dalawa (2) na ang nagpositibo sa Covid-19 mula sa Lungsod ng Imus. Ang kauna unahang pasyente sa buong Cavite, ang PH #20 sa tala ng DOH, ay magaling na at nakalabas na ng RITM. Ang pangalawa naman ay naka-confine at nagpapagaling sa Rizal Province.
Sa talaan ng ating CESU, mayroon tayong kabuuang bilang na pitumpu’t walo (78) PUIs, pito (7) ang naka-confine sa mga pribadong ospital habang pitumpu’t isa (71) naman ang nagpapagaling sa kani-kanilang mga tahanan.
Mayroon din tayong kabuuang bilang na 237 PUMs kung saan 52 na ang tapos sa kanilang home quarantine.
Hanggang may nagpopositibo sa Corona Virus ay hindi ito mauubos. Kailangan nating sumunod sa itinatakda ng pamahalaan na Enhanced Community Quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng virus at manumbalik tayo sa ating normal na pamumuhay.