Mommy Kate & Baby Keisha

Mommy Kate & Baby Keisha Mommy Kate’s Life Journey with baby Keisha 🩷🌸

Noong buntis pa lang ako, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko..."Magbe-breastfeed talaga ako, kahit anong mangyari." ...
02/08/2026

Noong buntis pa lang ako, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko...

"Magbe-breastfeed talaga ako, kahit anong mangyari."

At alam mo yung lagi kong iniisip noon?

"Mas madali naman siguro ang breastfeeding kaysa formula."

Hindi na kailangang magtimpla. Hindi na kailangang maghugas ng bote. Laging available. Libre pa.

Akala ko madali.😪
Akala ko lang pala. 🥹

Sa totoo lang, mas mahirap pa pala siya kaysa sa inaakala ko.😵‍💫

Hindi lang ito tungkol sa pagpapadede.

It's the endless hours.
The sleepless nights.
The body aches.
The migraines.
The tears you cry in silence.
The mental battle of wondering if you're producing enough.
The constant pressure to keep going..kahit ubos na ubos ka na.

Breastfeeding isn't luck.

It's choosing to show up every single day.

Kahit masakit ang ulo mo.
Kahit masakit ang katawan mo.
Kahit puyat na puyat ka.
Kahit gusto mo na lang matulog nang mahaba.

You still choose your baby.🤱

Araw-araw..

At mas gagaan ang lahat kung may partner kang kusa kang aalalayan..Yung hindi mo na kailangang magsabi bago ka tulungan..Yung makakapansin na pagod ka rin. Yung magtatanong ng, "Kumusta ka? Kaya mo pa ba?" "Ako na muna magpapatulog kay baby, matulog ka muna at magpalakas"😪

Hindi naman kasi kailangan ng grand gestures.

Minsan, sapat na ang maramdaman mong hindi mo pasan ang lahat nang mag-isa..

Sa lahat ng breastfeeding moms na lumalaban araw-araw kahit pagod, kahit umiiyak, kahit gusto nang sumuko...

I see you🥹

At sa sarili ko...

Sana kayanin ko kahit ilang buwan pa. One feeding, one day at a time. 🥹❤️‍🔥

‎Buti ka nga CS lang. ‎‎CS lang?‎‎8 hours fasting before surgery, miski water wala. Ako di lang 8 hours ang fasting kasi...
24/07/2026

‎Buti ka nga CS lang.

‎CS lang?

‎8 hours fasting before surgery, miski water wala. Ako di lang 8 hours ang fasting kasi halos isang buong araw talaga🥲 20hours nag labor, hinde makakain ng maayos kasi mababa pain tolerance ko kahit 5cm pa eh sobrang nasasaktan na ako😅 8cm pumotok panubigan, as in sakit na sakit na ako na gusto kona ilabas si baby. Tapos malalaman ko naka 💩 na pala si baby sa loob, plus kapag i-ere ko sya bumababa heartbeat nya.

‎Isinugod ako sa operating room para i-emergency CS, pinahiga at pinakurba para turukan ng anesthesia at sisimulan na ang operation para mailabas na si baby.

‎Mawawalan ng malay, ng walang kamalay malay. Hihiwaan ng 7layers habang nakakaidlep ng may kaba at takot. Pero kapag narinig mo na ang iyak ng anak mo, masasabi mo nalang na sobrang worth it ang lahat.

‎After matahi, dadalhin ka sa recovery room kung saan ka lalamigin ng husto, magcchills, manginginig at maghihintay ng 2 hours gang sa mawala ang epekto ng anesthesia.

‎After 2 hours. Room in ka na, nakahiga ka lang ng straight at walang unan, 8 hours walang tubig o any food intake kinabukasan pa pwede.

‎Kinabukasan, tatanungin ka kung nakautot kana? Nakapoops para makauwi na. Ang pinaka malala, yung unang pagbangon, pag upo at pagtayo mo after ng lahat ng pinagdaanan mo.

‎Kailangan mong kumilos, kasi kailangan mong i-latch ang baby mo. Wala kang choice kundi magpaka nanay agad kahit hirap na hirap ka pa sa mga pinagdaanan mo.

‎Kung pwde lang kaming mag normal delivery, bakit ba hindi? Kaya hindi kami buti nga “CS lang”. Kasi yung hiniwa samin pang habambuhay na yan, yung pagkirot ng sugat o likod sa tuwing taglamig andyan na yan.

‎Pero dahil nanay tayo, at mahal natin ang anak natin. Lahat kakayanin at kaya nating isakripisyo. ❤️❤️

‎Saludo sa mga nanay na nanganganak ng normal at CS delivery man yan, iba man ang proseso parehas lang naman ang kayang isakripisyo.

‎Proud First Time Mom !
‎C-section delivery ❤️❤️

17/07/2026

Certified MOM🩷❤️ Despite the hardship of bearing a child til the day of delivery, the best part is SEEING AND CARRYING MY CHILD🍼

30/06/2026

NESTING Vlog • Part 2 – sorting and arranging na ng mga clothes ni baby dahil akoy 35weeks preggy na! 🥰❤️

29/06/2026

NESTING Vlog • Part 1 😍❤️ 28weeks na, maka excite na kulba🥹

Address

Poblacion
Kidapawan
9400

Telephone

+63469156775

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Kate & Baby Keisha posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share