20/08/2026
Expect delayed shipping/dropping po maulan parin samin sa Benguet🥲🙏
Isinailalim sa state of calamity ang La Trinidad, Benguet nitong August 18 matapos makapagtala ng malawakang pinsala dulot ng malalakas na pag-ulan mula sa bagyo at patuloy na epekto ng habagat.
Inaprubahan ito ng Sangguniang Bayan batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.
Umabot sa P57 milyon ang pinsala sa imprastraktura, kabilang ang mga washout at blockage sa Benguet-Nueva Vizcaya Road, habang tinatayang aabot naman sa P220 milyon ang kakailanganin para sa buong rehabilitasyon ng public infrastructure.
Samantala, nasa P1.6 milyon ang initial damage sa mga nasirang bahay, habang halos P25 milyon naman ang agricultural losses.
Dahil sa deklarasyon, maaaring gamitin ng municipal government ang P13-milyong Quick Response Fund para sa agarang ayuda, emergency repairs at assistance sa mga apektadong residente.