HB Clothing

HB Clothing Mananatili kahit Kultura ay Kritikal

18/08/2026

Ang Ganda mo Pilipinas.
Gobyerno lang ang hindi.
At kulturang Panatiko.

KAPAG TUMAHOL NA ANG PUSA.May nakausap akong Amerikano na naka-base sa Japan dahil Japanese ang asawa niya. Ilang beses ...
16/08/2026

KAPAG TUMAHOL NA ANG PUSA.

May nakausap akong Amerikano na naka-base sa Japan dahil Japanese ang asawa niya. Ilang beses na rin daw siyang nakapunta sa Pilipinas, at ang sabi niya, nakakahinayang daw makita kung paano unti-unting lumalala ang sistema at buhay ng maraming Pilipino.

Sabi niya, isa sa biggest assets ng mundo ang mga Pilipinong manggagawa. At totoo naman. Hindi niya ma-imagine kung paano gagalaw ang mundo kung wala ang mga Pilipino sa iba’t ibang bansa—sa healthcare, hospitality, caregiving, construction, shipping, domestic work, at marami pang iba. Ganun katindi ang contribution ng mga Pinoy.

Kaya napaisip ako: Imagine kung karamihan sa mga Pilipinong nasa abroad ay nasa Pilipinas lang—ginagamit ang skills nila, may maayos na trabaho, at higit sa lahat, pinapahalagahan ng gobyerno. Baka ibang-iba na ang narating ng bansa natin.

Pero para mangyari ‘yon, kailangan ng maayos na sistema. Hindi ‘yung lumang sistema na ilang dekada nang umiikot at paulit-ulit na napapakinabangan ng mga nasa kapangyarihan. Sistema na para sa tao, hindi para sa iilan.

Matagal na rin akong nasa abroad. Gusto ko ba tumira sa ibang bansa? Oo.

Pero kahit baliktarin pa ang mundo, alam kong uuwi at uuwi pa rin ako kung saan ako nanggaling. Sigurado ‘yan.

Kaya kahit maraming nakakawalang gana, hindi pa rin ako sumusuko. Naniniwala pa rin ako na darating ang araw na mas gaganda ang Pilipinas. Sana lang, dumating ‘yung araw na hindi na kailangang umalis ng Pilipino para magkaroon ng maayos na buhay.

Kaya kung may pagkakataon kayong makalabas ng Pilipinas para magtrabaho o manirahan sa ibang bansa, gawin ninyo. Para sa sarili ninyo. Para sa mga anak at pamilya ninyo. Para maranasan ninyo kung ano ang buhay sa isang sistemang mas maayos.

Babalik naman tayo. Sana lang, kapag tunay na ang pagbabago.

Kapag tumahol na ang pusa.

At last na talaga—excuse me lang: P*t@ng inang healthcare ‘yan sa Pilipinas. Bulok!

-AO

May Pag Asa Pa!
15/08/2026

May Pag Asa Pa!

2028. Hangga’t hindi tumatahol ang pusa.
14/08/2026

2028.
Hangga’t hindi tumatahol ang pusa.

09/08/2026

Baha nanaman, lubog na lubog na sa utang mga naiganyo nyo mag sugal!

F*CK SILICA! 🇵🇭Marahil magkakaiba tayo ng pananaw. Hindi ko rin itinatanggi na maaaring may mga benepisyo, oportunidad, ...
08/08/2026

F*CK SILICA! 🇵🇭

Marahil magkakaiba tayo ng pananaw. Hindi ko rin itinatanggi na maaaring may mga benepisyo, oportunidad, at pangakong pag-unlad na maaaring dalhin ng Pax Silica sa Pilipinas.

Pero bago tayo humanga sa mga pangakong ito, dapat muna nating itanong:

Ano ang kapalit? At sino ang tunay na makikinabang?

Unang-una, ang kalikasan.
Pangalawa, ang ating mga magsasaka at mga komunidad na maaaring maapektuhan.

Hindi sapat na sabihin nating economic development ito. Ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat nakakamit kapalit ng pagkasira ng kalikasan, pagkawala ng kabuhayan, at pagsasakripisyo ng kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Ang pag-unlad ng ekonomiya ay hindi dapat mangyari kapalit ng pinsala sa kalikasan.

Ang tanong ngayon: Maayos ba talaga ang sistemang ipatutupad?
May sapat ba tayong mekanismo upang matiyak na mas malaki ang mapapala ng Pilipinas kaysa sa mawawala?
Sigurado ba tayong maipatutupad ang mga patakaran?
At higit sa lahat, sigurado ba tayong hindi muling mauuwi sa sitwasyon kung saan ang likas-yaman at kapakanan ng Pilipino ang maisasantabi para sa interes ng iilan?

Nakakabahala dahil sa kasalukuyang sistema natin, simpleng batas trapiko ay hirap na tayong maipatupad nang maayos. Paano pa kaya ang mas komplikado, mas malaki, at mas pangmatagalang kasunduang maaaring makaapekto sa ating kalikasan, ekonomiya, at soberanya?

Hindi ako tutol sa pag-unlad.
Tutol ako sa pag-unlad na walang pananagutan.

Hindi ako tutol sa oportunidad.
Tutol ako sa oportunidad na maaaring ang Pilipino ang magbayad, habang iba ang higit na nakikinabang.

Bilang mga Pilipino, hindi masama ang magtanong. Hindi kawalan ng patriotismo ang magduda. At lalong hindi mali ang humingi ng transparency, proteksyon, at pananagutan.

Ang Pilipinas ay hindi lamang merkado. Hindi lamang tayo supplier ng resources. At lalong hindi dapat maging lugar kung saan maaaring isantabi ang kalikasan at kabuhayan para lamang sa tinatawag na “economic development.”

Kung tunay na para sa Pilipinas ang pag-unlad,
dapat ang Pilipino ang unang pinoprotektahan.

Ang kalikasan.
Ang magsasaka.
Ang manggagawa.
Ang komunidad.
At ang kinabukasan ng ating mga anak.

Dahil ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa laki ng perang pumapasok—kundi sa kung ano ang naiiwan para sa susunod na henerasyon.

-Pahabol lang, hindi konektado.
Salot ang Sugal! Sugal ang Salot! Kahit balibaliktarin!

Pilipinas muna. Pilipino muna. 🇵🇭✊

Limang beses naupo, limang mansyon ang naipatayo.
02/08/2026

Limang beses naupo, limang mansyon ang naipatayo.

01/08/2026

Manalo sana lahat ng lumalaban ng patas sa buhay. 🌻

West Philippine Sea! Organically ours! 🇵🇭 ✊
29/07/2026

West Philippine Sea! Organically ours! 🇵🇭 ✊

✊
29/07/2026

Address

Albay
Ligao
4504

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HB Clothing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to HB Clothing:

Shortcuts

Share