16/09/2026
IBA’T IBANG INQUIRY, IBA’T IBANG KWENTO. 😂🧢
Hindi lahat ng nagtatanong ay bibili.
May curious.
May nagko-compare.
May nag-iipon.
May nag-iisip pa.
May biglang mawawala pagkatapos malaman ang presyo. 😂
At meron ding:
“Ang mahal naman. Bili ko na lang ng bigas.” 🍚😂
O kaya:
“Ang mahal naman. ’Di ka kaya makarma sa presyo mo?” 😅
May iba kasi na pang-bangketa ang reference, kaya kapag nakakita ng premium cap na may ibang materials, craftsmanship, embroidery at limited quantities—natural lang na iba ang perception sa presyo.
And that’s okay.
Hindi naman lahat ng produkto para sa lahat ng tao.
Bilang seller, trabaho nating ipakita kung ano ang product, paano ito ginawa, at bakit ganito ang presyo. Customer naman ang magdedesisyon kung pasok ito sa gusto at budget nila.
No hard feelings. No pressure.
INQUIRY ≠ SALE.
INTEREST ≠ ORDER.
PAYMENT CONFIRMED = SALE. 🫡
Sa lahat ng nagtatanong, tumitingin, at higit sa lahat sa mga patuloy na bumibili at sumusuporta—
MARAMING SALAMAT. ❤️
Ikaw, ano ang pinaka-kakaibang customer inquiry experience mo? 😂
Share mo naman sa comments. Baka may mas malala pa sa amin! 👀🤣
CAPSTRUCK® — WEAR THE STATEMENT. 🧢