17/06/2026
Kwento:
Ngayong araw, pitong taon na ako sa trabaho ko. Imbes na ipagdiwang namin sa paraang nakagawian, ang pagkakape sa labas, mas ninais kong umuwi sa unang bagay na naipundar naming mag-asawa. Sa totoo lang umuuwi talaga ako rito kapag nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pagod..kasi tuwing nakikita ko ito, nagbibigay ito ng lakas, na bagamat nakakapagod ang magtrabaho ay may maganda namang naibubunga at nagiging dahilan ito para magpatuloy. Marami pa ring dapat iayos at ipundar dito pero papasaan pa at ipagkakaloob din ng langit! π
Lagi pa ring laman ng panalangin na sana ay balang araw ay dito na kami makauwi araw-araw..nakakasawa na rin naman talaga ang baha. Pero sa ngayon mas mahalaga pa ring mapalibutan ang aming anak na si Ulan ng mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Ang kanyang mga lola at lola, Ninong at Ninang. Sa ngayon, dito muna kami sa Hagonoy at makikikain sa Nanay Rosa at Tatay Bhoy. Lagi kayang masarap ulam dito. HAHAHA
O sya, tama na daldal. Trabaho na ulit. 3 years pa bago ako magkaloyalty award. Hihihi