25/04/2022
โผ๏ธLONG POST AHEADโผ๏ธ
PARA SA MGA JOYJOY MINERS NG PAGE, DI KO KAYO IPOPOST PERO AT ALAM KO MABABASA NYO TOโผ๏ธโผ๏ธโผ๏ธ
Mga tao ba talaga kayo? Alam ko nasakin mga items nyo pero yung effort, pagod, kanda malat malat kakaflex, sakit ng binti, pamamanhid ng hita, kakahanap ng mga nirerequest nyong ipaflex mapabigyan lang kayo dahil umaasa akong matitinong miners kayo pero ang ending pinahirapan nyo lang ako. Pasend send pa kayo ng details para masabi na sure buyer. Nag nenegosyo ako ng maayos pero hindi ko lubos maisip bakit merong mga ganyang tao na lakas magmine sa live. Nakikipag unahan pa sa mga sure buyer at suki ko tapos after masend ng invoice, wala dedma na ๐ฅด Naka-pack na lahat. Ending kita na sana naging bato pa. Ifeflex ko ulit at mag-uubos na naman ng tape, mangangawit na naman ang binti, mamaos, at mapapagod para sa 5-10 na tubo sa isang item. Mga wala ba talaga kayong konsensya sa dami nyo namine wala kayong paramdam? Sobrang lungkot talaga ๐ฅบ
Thankful ako sa mga matitino at responsableng buyer ko. Alam nyo na kung sino kayo ๐ฅฐ
At para sa mga taong nagdudulot sakin ng stress, sorry pero lalaban ako ๐ช