17/10/2026
π¦ MYTH OR FACT? MATUTULOG NANG BASA ANG BUHOK, BAKA MABULAG? π
β MYTH: βHuwag kang matulog nang basa ang buhok dahil baka mabulag ka!β
β
FACT: Walang scientific evidence na ang pagtulog nang basa ang buhok ay direktang nagdudulot ng pagkabulag.
Alamin natin ang science behind this! π¬
ποΈ 1. May koneksiyon ba ang basang buhok sa pagkabulag?
Walang established scientific evidence na ang pagtulog nang basa ang buhok ay sanhi ng blindness. Ang mga kilalang sanhi ng pagkabulag ay kinabibilangan ng ilang sakit sa mata, tulad ng glaucoma, cataract, at diabetic retinopathy, pati na rin ang ilang eye injuries. Hindi kabilang sa mga kinikilalang sanhi ang pagtulog nang basa ang buhok.
π Ayon sa review na Sleep and Eye Disease nina Lee, Nilagiri, at Mackey (2022), may ilang sleep-related conditions na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mata, ngunit walang itinatag na ugnayan sa pagitan ng pagtulog nang basa ang buhok at pagkabulag.
ποΈ 2. Masama bang matulog nang basa ang buhok?
Hindi naman ito awtomatikong nakapipinsala sa kalusugan. Gayunman, ayon sa University of Utah Health, mas marupok ang buhok kapag basa, kaya ang paulit-ulit na friction sa unan habang natutulog ay maaaring magdulot ng hair breakage at split ends. Maaari rin itong maging uncomfortable, lalo na kung malamig ang kapaligiran.
π‘ 3. Ano ang dapat nating tandaan?
βοΈ Patuyuin ang buhok bago matulog kung maaari, upang maiwasan ang discomfort at mabawasan ang hair breakage.
βοΈ Huwag basta maniwala sa mga health claims na walang sapat na scientific evidence.
βοΈ Kung may biglaang paglabo ng paningin o biglaang pagkawala ng paningin, Magpatingin agad sa isang licensed optometrist.
β¨ REMEMBER: Puwedeng maging uncomfortable ang pagtulog nang basa ang buhok, pero hindi ito napatunayang sanhi ng blindness. Mas mahalaga ang tamang impormasyon at regular na pangangalaga sa ating mga mata!
π Your eye health deserves facts, not fear.
π REFERENCES:
β’ Lee, S. S. Y., Nilagiri, V., & Mackey, D. A. (2022). Sleep and eye disease: A review. Clinical & Experimental Ophthalmology, 50(3), 334β344. https://doi.org/10.1111/ceo.14071
β’ University of Utah Health (2023). Is It Bad to Sleep with Wet Hair? https://healthcare.utah.edu/healthfeed/2023/09/it-bad-sleep-wet-hair
VISIT US NOW β¬οΈ
π683 CARRIEDO ST. BRGY. 306 QUIAPO MANILA
ποΈ Monday to Sunday
β° 8AM to 7PM
βοΈ 0939 - 616 - 6511