17/10/2026
๐ฆ MYTH OR FACT? MATUTULOG NANG BASA ANG BUHOK, BAKA MABULAG? ๐
โ MYTH: โHuwag kang matulog nang basa ang buhok dahil baka mabulag ka!โ
โ
FACT: Walang scientific evidence na ang pagtulog nang basa ang buhok ay direktang nagdudulot ng pagkabulag.
Alamin natin ang science behind this! ๐ฌ
๐๏ธ 1. May koneksiyon ba ang basang buhok sa pagkabulag?
Walang established scientific evidence na ang pagtulog nang basa ang buhok ay sanhi ng blindness. Ang mga kilalang sanhi ng pagkabulag ay kinabibilangan ng ilang sakit sa mata, tulad ng glaucoma, cataract, at diabetic retinopathy, pati na rin ang ilang eye injuries. Hindi kabilang sa mga kinikilalang sanhi ang pagtulog nang basa ang buhok.
๐ Ayon sa review na Sleep and Eye Disease nina Lee, Nilagiri, at Mackey (2022), may ilang sleep-related conditions na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mata, ngunit walang itinatag na ugnayan sa pagitan ng pagtulog nang basa ang buhok at pagkabulag.
๐๏ธ 2. Masama bang matulog nang basa ang buhok?
Hindi naman ito awtomatikong nakapipinsala sa kalusugan. Gayunman, ayon sa University of Utah Health, mas marupok ang buhok kapag basa, kaya ang paulit-ulit na friction sa unan habang natutulog ay maaaring magdulot ng hair breakage at split ends. Maaari rin itong maging uncomfortable, lalo na kung malamig ang kapaligiran.
๐ก 3. Ano ang dapat nating tandaan?
โ๏ธ Patuyuin ang buhok bago matulog kung maaari, upang maiwasan ang discomfort at mabawasan ang hair breakage.
โ๏ธ Huwag basta maniwala sa mga health claims na walang sapat na scientific evidence.
โ๏ธ Kung may biglaang paglabo ng paningin o biglaang pagkawala ng paningin, Magpatingin agad sa isang licensed optometrist.
โจ REMEMBER: Puwedeng maging uncomfortable ang pagtulog nang basa ang buhok, pero hindi ito napatunayang sanhi ng blindness. Mas mahalaga ang tamang impormasyon at regular na pangangalaga sa ating mga mata!
๐ Your eye health deserves facts, not fear.
๐ REFERENCES:
โข Lee, S. S. Y., Nilagiri, V., & Mackey, D. A. (2022). Sleep and eye disease: A review. Clinical & Experimental Ophthalmology, 50(3), 334โ344. https://doi.org/10.1111/ceo.14071
โข University of Utah Health (2023). Is It Bad to Sleep with Wet Hair? https://healthcare.utah.edu/healthfeed/2023/09/it-bad-sleep-wet-hair
Neo Optique Optical Clinic
"Your vision is our Passion"
You may visit us at:
๐๐Stall B01-03 Emerald Circle Bldg. Rizal Avenue, Quiapo, Manila
Clinic Hours:
โฐMonday-Sunday 9:00am to 6:00pm
For inquiries, you may call:
๐ฑ0968-371-9406