23/07/2020
Hello everyone! Magpopost na po muna ako ng introductory note sa mga baguhan sa Ukay at sa mga gustong pasukin ang Ukay business. Narito po ang ilang mga guidelines para po mas maintindihan po ninyo ang produkto namin.
1. US BALES lang po ang produkto na meron kami. I repeat, US BALES only lang po tayo. Paminsan minsan po meron tayong mga CANADA BALES. Dahil same lang naman po sila na North American Region, ito po ang mga hawak namin. Ang US UKAY BALE ay 80% almost new condition, tapos ang iba rito meron pang mga tags galing sa shop na pinanggalingan nila. 20% lang talaga ang used dito pero kahit na used, presentable pa rin naman ang mga ito.
2. Ang isang BALE po ay at least 45kg ang bigat. Machine pressed and factory sealed po ito gaya ng nasa photo, at meron po itong label. Hindi po pare-pareho ang laman ng isang bale. Minsan may mga sample photos po kami pero galing lang din po ang mga ito sa mga clients namin na nag send ng photos. Ang label po usually nakalagay diyan ang company name at ang item description. For example: KING, Denim Shorts. Meaning po niyan, KING ang company name, at Denim Shorts po ang laman ng bale.
3. Ang companies or catergory po ng US BALES na meron kami ay ang mga sumusunod.
- KING
- GIRAFFE
- TA TEXTILES
- PINK
- BUTTERFLY
- TRENDS
- PREMIUM 55
4. DISKARTE at TIYAGA po ang puhunan sa pagbenta ng UKAY BALES. Random po ang mga laman ng bales. Para din po yang tumataya, minsan jackpot, minsan hindi. Kaya po MANAGE YOUR EXPECTATIONS pag dating sa UKAY. Gaya ng kahit anong business, sugal din po ang pagbebenta ng UKAY, mapa tingi/retail man o bultuhan. Ipakikita po namin sa inyo via photos ang gusto ninyong BALE at sample feedback photos na galing sa clients kung meron. Ito po ay ipapadala namin na factory sealed sa inyo. Basta po tama ang label sa BALE at factory sealed na dumating sa inyo, all good na po tayo. No return, no exchange, as long as tama yung bale na ipinakita at nakuha ninyo.
5. Sa mga may katanungan pa po, message lang po ninyo ako rito sa page ko. PLEASE LIKE AND SHARE AND FOLLOW MY PAGE.