13/06/2026
Kung job ko naman ay kapanonoatan na wag na lng. Piliin pa rin ang health, peace at time.
“Sayang pinag aralan mo,
nag negosyo ka lang.”
Dati,
medyo tumatama sakin yung linyang yan.
Hindi man ako nakatapos,
Pero nakatungtong naman ako sa college.
Parang ang tingin ng ibang tao,
kapag nag negosyo ka,
sayang yung diploma,
sayang yung years sa school,
sayang yung profession.
Pero habang tumatagal,
mas naiintindihan ko
na maraming tao
naka-base yung definition ng success
sa nakasanayan lang nila.
Safe job.
Monthly salary.
Predictable path.
Walang masama dun.
Pero hindi rin ibig sabihin
na mababa ang business.
Kasi ang totoo,
business forced me to grow
in ways school never taught me.
Paano mag handle ng pressure
kahit wala kang kasiguraduhan.
Paano magpasweldo ng tao
kahit ikaw stressed na.
Paano mag decision
kahit walang perfect answer.
Paano bumangon
kapag milyon yung nawala.
May mga lessons
na hindi mo matututunan
sa classroom.
At may wisdom
na binibigay lang ng responsibility.
Hindi rin naman “lang” ang negosyo.
Behind every business,
may pamilya na sinusuportahan.
May empleyado na umaasa.
May customer na tinutulungan.
Na-realize ko rin,
people usually judge
what they do not fully understand.
Kaya hindi ko na kailangan
patunayan sa lahat
kung valuable ba yung path ko.
Ang importante,
alam mo bakit mo ginagawa.
Kasi success becomes lighter
when your decisions
are no longer controlled
by other people’s expectations.