TRENDLINE.Kor

TRENDLINE.Kor 📩

29/08/2025

BAKIT MADAMOT SI MISIS

Madamot na Misis hindi lang sa Pamilya ni Mister kundi pati narin sa sarili niyang Pamilya at kamag anak, kaibigan o kahit na sino.

REALTALK: PERA AT KAMAG ANAK O KAIBIGAN NA KULANG SA KONSIDERASYON (mga tamad, mabisyo, palaasa at abusado) ang madalas na rason kumbakit maraming mag asawa ang nag aaway o naghihiwalay *Kaya maraming PADRE DE PAMILYA ang nawawalan nang gana at naging tamad tas yung ILAW NG TAHANAN naging Bungangera, Ending MAGULONG PAMILYA.

MGA MISTER, AMININ NYO MAN O HINDI,
HINDI MAGDADAMOT SI MISIS KUNG SAPAT ANG KINIKITA MO NA SEGURIDAD PARA SA PAMILYANG BINUO NYO

Pansin mo ung mga misis na mapagbigay, sobra ung binibigay'ng sahod ng mister nila, sila ung mga mabubuting misis na imbis na ipambili ng sariling luho e mas gugustohing maipadala sa pamilya ng mister niya. Yung ibang mister naman sila pa mismo nagkukusang mag ipon para may pambiling Luho ang mga Misis nila at para sa kinabukasan ng mga anak nila PERO ung mga Full-time-misis na kakarampot lng ang kinikita ng Mister araw araw, at mas madalas maulan o wala sa mood magtrabaho si Mister kaya laging GIPIT, talagang magdadamot yan lalo na kapag si Mister ay hindi marunong magkwenta ng ginagastosan! bastat bigay lang nang bigay kahit walang matira oks lng kikitain padin naman daw pero ang totoo Hirap na Hirap siyang kumita ng Pera at kapag napagod nagkasakit na, si Misis lng naman ang umaako ng lahat ng responsibilidad, habang si Mister nakahilata dahil sa sakit ng katawan.

MAGDADAMOT (MUNA) SI MISIS LALO NA KAPAG ALAM NIYANG PAREHO SILANG WALANG SUPPORT SYSTEM

Lalo na kung naranasan na ni Misis ung mga panahong nagkasakit si Mister at dahil wala silang ipon, ending nakikikain muna sa kamag anak. Buong akala ni Mister madamot si Misis, pero ang totoo AWARE lang talaga si Misis sa mga Possibleng mangyari kung hindi sila Mag iipon!

WIVES DEMANDS SECURITY
Hindi yan kalabisan bilang ilaw-ng-tahanan. Unahin munang mag ipon Para sa kinabukasan ng mag ina mo bago maging galante sa mga tamad at palaasa, dahil Hindi magagampanan ni Misis nang mabuti ang ROLE niya bilang ASAWA'T INA Kung pati Pinansyal Poproblemahin niya.

RESPETO BILANG MAG PARTNER
You must consider na konsultahin muna siya sa pinanggagastusan mo dahil para saan pa na naging mag PARTNER KAYO? Oo Pera mo yan Pinaghirapan mo yan PERO MAY MGA ANAK NA KAYO na kung tutuosin mas mahirap ang ginagawa niyang trabaho sa bahay bilang Nanay, Asawa at all-around katulong na hindi kayang tumbasan ng kahit sinong kamag anak na mas inuuna mo, At Yung hindi mo pag consider na konsultahin muna kay misis mga disisyon mo bago mo gawin simply means You dont Respect Her As a Partner! kaya maraming Misis na bungangera o nawawalan ng Respeto sa Asawa nilang Lalaki dahil hindi rin sila Nirerespeto bilang Asawa o PARTNER..

WOMEN ARE RECIPROCATORS!
THAT'S WHY MEN SHOULD LEARN HOW TO LEAD.

Toxic Parenting leads to Toxic Environment
Kung ano ang itinanim ay siya ring bunga:

MGA MAGULANG NOON NA MAS INUUNA KAPAKANAN NG IBA AT HINDI ANG KINABUKASAN NG PAMILYANG BINUO, DUMATING ANG PANAHON NA HINDI NA NILA KAYANG MAGPROVIDE KAYA TANGING IPAPAMANA SA ANAK AY MGA OBLIGASYONG HINDI NAMAN SIYA ANG NAGSIMULA, PERO MAS MADALAS YUNG MGA ANAK LUMAKING REBELDE, MABISYO AT PALAASA (Apektado ang Psychological Behaviour dulot ng Disappointments sa Magulang at sa Sarili)

Breaking the Toxic-Family-Culture:

AT YUN ANG PINAKA INIIWASAN NG ISANG MADAMOT NA MISIS, INIISIP NIYA ANG MAGIGING KINABUKASAN NG MGA ANAK NIYA.

Financial Security:

GIVE HER SECURITY FIRST BAGO MAGING GALANTE SA IBA. Security na kampante na siyang may magagastos kayo ncase of emergency, na may makukupit siya sa panahong nagkasakit ang Provider atleast di na niya kailangang manlimos!

FINANCIAL LITERACY
Mindset ng lalaking kulang sa financial literacy is basta makasurvive sa pang araw araw oks na un basta't nakakapagbigay sa Pamilyang Pinanggalingan kahit walang ipon, tas pag nagkasakit at dina kayang magtrabaho aasa muna sa magulang (which is naghihikapos din) then the cycle goes because of the UTANG NA LOOB CULTURE

FINANCIAL DISCIPLINE
Pamilyang kahit anong kayod naghihikapos padin dahil Kulang sa disiplina sa pera, hindi kikilos bagkus hihingi sa naghihirap na anak o kapatid hindi lng ng pambiling pagkain kundi pang entertainment, bayad sa utang, pantulong sa ibang kamag anak para masabing mabuti siyang tao, bisyo gaya ng sigarilyo at sugal o swetres, at iba pa.

CRAB MENTALITY
Unfortunately, may mga kamag anak talagang INCONSIDERATE na Alam nilang naghihirap ung tao sa pagkakayod araw araw at maliit lng din ang kinikita e nagagawa paring iPRESSURE na MAGBIGAY hindi lng para sa sarili kundi para sa ibang tao (tulong)

Kapag walang Financial Discipline ang Mag asawa, tatagilid ang tahanan at tanging kawawa ay mga anak. Kahit magkasakit o magutom kayong mag asawa matitiis nyo dahil malalaki na kayo, pero ung anak hindi! Hindi kayang magtiis nyan! How much more nalang kung anak na ung nagkasakit saan kayo kukuha ng pambiling gamot dahil hindi kayo nag ipon? Hindi naten hawak ang panahon kaya ugaliing mag IPON.

KNOW YOUR LEVEL OF PRIORITIES!
HINDI MO MAGAGAWANG TULONGAN ANG IBANG TAO KUNG HINDI MO MUNA TUTULONGAN ANG SARILI MONG MAKABANGON Hindi ung walang wala kananga nagawa mo pang unahin ang kapakanan ng iba habang mag ina mo nahihirapan.

MADAMOT NA MISIS ARE ACTUALLY BLESSINGS
Kung ang misis mo ay madamot abay magpasalamat ka dahil ibig sabihin lng non may pakialam pa siya sayo at sa kinabukasan nyo. Ayaw ka niya lalong mahirapan when enevitable happens.

KAPAG INIWAN KA NG MAG INA MO, WALANG MAGAGAWA YUNG MGA TAONG MAS INUUNA MO sa true lang, ang mga misis kapag napagod yan kakaremind sayo na iprioritise ang kinabukasan nyo, hindi na yan magdadamot o pakikialaman ang pinanggagastusan mo bagkus hahayaan ka nalang na isipin mong okay lang lahat sakanya pero unti-onti na siyang nawawalan ng gana to the point na isang araw bigla nalang siyang umalis ng walang sapat na dahilan, at walang magagawa ang kahit sino mang kamag anak na mas inuuna mo. Kahit mag asawa kapa ulit ng bago, kung ganon padin ang systema mong unahin ang kapakanan ng iba bago ang sariling pamilya, at ganon padin ang systema ng pamilya mong umasa sayo kahit nahihirapan kana, hinding hindi ka magiging masaya dahil sinasanay mo lang sarili mong maghirap para sa ibang tao.

LEAVE & CLEAVE For those who are married or Plan to enter the Marriage life.

Pero kung BREADWINNER ka at di pa handang iwan ang responsibilidad sa pamilyang pinagmulan, or di pa financially secured para ibalanse ang responsibilidad sa pamilyang pinagmulan at pamilyang bubuoin, mas minabuting huwag ka munang mag asawa. Because Marriage isn't for the Weak & Unstable.

Funny how these entitled Kamag anaks or Kaibigans na naiinis sa Madamot na Misis, sila yung mga feeling mas may karapatan sa pera ng Mister e wala namang ambag. Tas kapag ang Mister ay naging Responsableng Padre-de-Pamilya na inuuna kapakanan ng Pamilyang binuo, magagalit ung kamag anak ng Mister sa Misis dahil tinuturuan niya daw tong magdamot lol 🤡

MARRIAGE ISN'T FOR THE WEAK AND UNSTABLE MEN & WOMENIf there's only one advice that I have to give to SINGLE LADIES sinc...
29/08/2025

MARRIAGE ISN'T FOR THE WEAK AND UNSTABLE MEN & WOMEN

If there's only one advice that I have to give to SINGLE LADIES since I experienced being a full-time-mom & wife dealing with toxic situations, people & environment, this is it!

If you're single & have no stable income, no savings, doesn't matter if Graduate kana ng limang degree KUNG wala kang sariling source of income, sariling investment o Ipon manlang for your future self, Please dont get married. Doesnt matter if the man u planned to marry is Responsible, Loves u deep, or Rich etc.,, Pls dont get married. Doesn't matter if your Parents have decent jobs that gives you anything u want, still dont get married because You'l never know what will happen in the future. And if your Parents already fixed Marriage for you and you'r not ready yet, Please RUN & Better Start fix your life instead. PLEASE Because Marriage isnt for the weak unstable dumb women.. Dati sabi ko, "be meticulous when choosing a Partner" NO! "Be meticulous WHEN to choose a Partner" dahil iba na ang panahon ngayon, ang mga maginoo noon disney princesses na ngayon HAHAHAHAH Traditional men no longer exists, these modern men wants 50/50 so basically they need a Woman who can do multiple jobs, who can cook for them, take good care of the house & kids & him 24/7, Pays 50% of the bills at the same time manages to look clean, pretty & seductive despite all the hard works, and is satisfying in seggs despite having no more energy to do so.

Aside from 50/50, you have to deal with your inlaw's disrespect & inconsideration.
And if you can't fulfill that, they'l cheat on you for someone who can't do 50/50 either just so he can hurt & manipulate u. That's what broken unhealed men do.

And FOR BOYS: before you Plan to marry, HEAL your inner self first lol. Don't waste a Good Woman for your unneccessary toxic dramas. If you want a Healthy Happy Family, the first thing u neeeeed to dooo is HEAL YOUR SELF, dahil kung hindi kapa healed sa mga sakit ng nakaraan haha maipapasa mo lahat ng toxic traits & sakit sa magiging mag ina mo esp. sa magiging anak mo, and even if you marry a Good & Decent Woman kung hindi mo siya kayang itrato nang tama because you're not healed yet, She'l eventually becomes Bad & Rude, nagger bungangera etc. at habang buhay kang hindi magiging masaya 😜🤞

NO, my husband isn't like that. He never intend to cheat on me, nor ask for 50/50, I know he loves me! but I realized that Love alone isnt enough if we can't manage to leave a toxic situation. Staying in a toxic environment will eventually fade Love in a relationship, & I swear, I have seen so many Happy Marriages destroyed by toxic situations because of unneccessary toxic immature people, unfortunately, they are the people that supposed to be your strong support system, pero dahil hindi rin sila healed damay-damay na kayo HAHAHAHAHAH

REALTALK!

I never regret being a full-time-mom na walang income, walang sariling pera, walang ambag sa gastusin, laging mukhang ha...
29/08/2025

I never regret being a full-time-mom na walang income, walang sariling pera, walang ambag sa gastusin, laging mukhang haggard at kulang sa skincare o maski ligo, dahil nasubaybayan ko naman ang buong milestones ng anak ko mula pagsipa sipa niya sa tiyan ko noong pinagbubuntis ko hanggang sa pagsipa sipa niya sa mukha ko ngayon toddler na 🥹 yung mga gusto niya at hindi gusto, mga paborito niyang snacks, music & activities, laging malinis at fresh, active maglaro magsayaw lagi nalang may bago sa mga kinikilos at salita niya, hindi sakitin except sa teething stages pero 4-7days puyat mawawala din, never nakaranas ng rashes konting ihi palit agad ng diaper e. Kahit siguro may mag offer saken ngayon ng trabaho 30k monthly sweldo hindi ko tatanggapin! Chaurrr pero foreal, sarili ko lang pinagkakatiwalaan ko para sa kaligtasan at seguridad ng anak ko, and bakit ako magtatrabaho obligasyon ng tatay niya yon, kung tutuosin mas marami akong obligasyon bilang nanay at asawa dzuh 😘 Sa anak ko lang talaga umiikot mundo ko kahit mukha na akong binaksakan ng mundo 🥹🫶

Address

Marbel

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TRENDLINE.Kor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share