28/04/2026
PARA SAAN NGA BA ANG 𝑨𝑫𝑴𝑰𝑵 𝑭𝑬𝑬 ?
Just want to 𝐜𝐥𝐚𝐫𝐢𝐟𝐲 lang sa mga nag jojoin sa Paluwagan.
“Bakit may pasobra na isang slot lagi sa paluwagan?”
“Pag tinotal yung hulog lagi may sobra?”
Ang tawag po dyan ay 𝐚𝐝𝐦𝐢𝐧 𝐟𝐞𝐞.
Bakit may admin fee? Simple lang, hindi po biro humawak ng paluwagan, magclaim ng money, magsend ng sahod, daanan ang payments ng iba. Gumagastos din po kami ng gas, besides nag eeffort po ako bumuo ng paluwagan at hindi po biro maningil.
Now, if ayaw nyo po, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐦𝐢𝐥𝐢𝐭.
Pwede po kayo mag ipon sa paraan na gusto nyo kung gugustuhin nyo. Ang paluwagan po kasi yan po ang paraan ng iba para makapag ipon ng maayos o may pinaglalaanan , pang birthday , pang binyag , pang pakasal , pampagawa ng bahay , pandagdag puhunan at iba pa. 🫶🏻
𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐛𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐀𝐃𝐌𝐈𝐍 𝐅𝐄𝐄 𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐩𝐚𝐥𝐮𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧?
𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐝 (𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭)
– Pag-organize ng members
– Pag-set ng schedule ng hulog at payout
– Pag-monitor kung sino ang nakapagbayad na
𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐄𝐟𝐟𝐨𝐫𝐭 𝐧𝐠 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧
– Walwal posting/myday bago mabuo ang isang batch
– Pakikipag-usap sa bawat member
– Pag-remind sa due dates
– Pag-handle ng concerns at questions
𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐚𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐬𝐭𝐬
– GCash / bank transfer fees
– Internet/data expenses
𝐑𝐞𝐜𝐨𝐫𝐝 𝐊𝐞𝐞𝐩𝐢𝐧𝐠
– Pag-maintain ng listahan, resibo, at proof of payments
Simple explanation:
👉 “ADMIN FEE - Bayad ito sa effort at pagod ng admin para maayos, safe, tuloy-tuloy ang paluwagan at para makasahod sa tamang petsya.”
As a handler / admin not necessarily aabonohan ng handler . Maging totoo po tayo dito, hindi sa lahat ng pag kakataon may pang abono ang handler dahil tao lang din po kami na may pinag lalaanan.
Kaya sa nag sasabing Admin/Handler ka , DAPAT MAG ABONO KA ? MALI PO , HINDI PO PANG ABONO ANG ADMIN FEE! 😬 Mabuting wag nalang po sumali kung yun ang pananaw nyo. 😊
Responsibilidad ng member mag hulog on time para makapag pasahod on time.
Hindi ito solong responsibilidad ng handler.
It’s a collective effort. ❤️
ADMIN ANNA MARIE 💁🏻♀️