It's Written Apparel

It's Written Apparel "It is written" is a clothing line that elevates the Word of God and His love creatively through our exceptional t-shirt designs.

He leaves the 99 to find me🤍
21/10/2024

He leaves the 99 to find me🤍

21/10/2024

Help is on the way!
GOD is with you🤍

PROTIPS - Oct 15, 2024Dealing with DisappointmentsBy Maloi Malibiran-SalumbidesKapag mayroon kang inasahan at hindi ito ...
20/10/2024

PROTIPS - Oct 15, 2024
Dealing with Disappointments
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kapag mayroon kang inasahan at hindi ito nangyari, ano ang iyong mararamdaman? Unmet expectations almost always result to disappointments. Mayroong aplikante sa kumpanya ninyo na sa tingin mo ay mahusay at puno ng potential. Pero nang inyo ng i-hire, naku, ubod pala ng tamad. Mahusay lang magsalita pero kulang na kulang sa gawa. Disappointing hindi ba? How can we best deal with disappointments in our work and our lives?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Maraming pagkakataon, madidisappoint tayo sa tao, sa ating trabaho, at sa mga pangyayari sa paligid natin. And when this happens, it is always good to turn to God and His word to find hope and encouragement. If your plans and expectations didn't materialize as you wanted, know that there is a God-ordained purpose behind it. How should we handle disappointments?

1) Continue to trust. Ang sabi sa Jeremiah 29:11, "For I know the plans I have for you, declares the LORD, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope". Patuloy mong panghawakan ang Salita at pangako ng Diyos dahil kahit ano pa ang nangyayari sa paligid mo, tiyak na ang sinabi ng Diyos ay hindi magbabago. Disappointing events in your life and career do not mean a cancellation of God's good plans for you. Patuloy kang magtiwala.

2) Continue to hope. Kung may pagsubok ka ngayon diyan sa iyong trabaho, tignan mo ang problemang iyan bilang bahagi ng sinasabi sa Romans 8:28, "And we know that to those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose." Hindi lamang ang magandang pangyayari sa trabaho at negosyo mo ang sakop ng kakayahan at kapangyarihan ng Diyos. Even the disappointing events in your life are within His control at kahit ang mga ito ay gagamitin ng Diyos para magbunga ng kaayusan, kabutihan at kagandahan sa takbo ng buhay mo.

3) Continue to pray. Kung nababagabag ka at puno ng pag-aalala ngayon, balikan mo ang sinasabi sa Philippians 4:6-7, "Do not be anxious about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God. And the peace of God, which surpasses all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus." Disappointments remind us of our need to depend on God and to call on Him. Maraming bagay sa buhay mo ang labas sa kaya mong i-control. But all these are within God's control. Kapag ikaw ay discouraged at disappointed sa Diyos ka lumapi, sa Kanya tayo tumawag.

Continue to trust, continue to hope, continue to pray. People will disappoint us but God won't.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

20/01/2024

PROTIPS - Jan 19, 2024
Value Your Words
By Maloi Malibiran-Salumbides

Sa maniwala ka't sa hindi, may impluwensiya ka at makapangyarihan ka. Intentional ka man o hindi, ang bawat binibitiwan mong salita ay may epekto sa ibang tao. Naranasan mo na bang may nainspire, natuwa o kaya naman ay nagalit sa iyo dahil sa sinabi mo, pero hindi mo naman maalala kung ano ang binitiwan mong salita? Your words have power, kaya dapat ay gamitin natin ito upang magbigay buhay, kaliwanagan at inspirasyon sa iba.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Sa Proverbs 12:18-19 ay mayroong ganitong paalala, "The words of the reckless pierce like swords, but the tongue of the wise brings healing. Truthful lips endure forever, but a lying tongue lasts only a moment." Mabuting gamitin natin ang ating kakayahang magsalita upang maging pagpapala sa iba. Value your words. Paano?

1) Speak to encourage and not to put others down. Sa dami ng mga negatibong mensahe na naririnig at nababasa natin araw-araw, breath of fresh air na maituturing ang makarinig ng magandang balita at mga pananalitang totoo at positibo. Be that breath of fresh air in your workplace by bringing encouragement to others. Hindi naman ganoong kahirap ng mag-encourage sa iba. Simulan mo sa pamamagitan ng pagbati sa mga ginagawa nilang mabuti. Express your appreciation for good work which others are doing. Speak to encourage.

2) Speak to promote truth and not to spread lies. Mahalaga ang tiwala sa lahat ng relationship kasama na diyan ang mga ugnayang nabubuo dahil sa iyong trabaho o negosyo. Mas magiging matatag ang business relationship mo sa iba kung may tiwala, kaya nga may librong naisulat si Stephen Covey na "At The Speed of Trust". Pagsumikapan mong patatagin ang tiwala ng iba sa iyo sa pamamagitan ng pagsasabi ng kung ano ang tama at totoo.

3) Speak to inform, instruct and inspire. Gusto mo bang pakinggan at pahalagahan ng iba ay mga sinasabi mo? Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga sasabihin at tiyaking ito ay makatutulong para maghatid kaliwanagan sa mga nalilito, magturo sa mga di alam kung ano ang gagawin at magbigay lakas ng loob sa mga gusto ng bumitiw.

Value your words and speak life.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

PROTIPS - Jan 8, 2024A Right Time for EverythingBy Maloi Malibiran-SalumbidesMay mga pangarap at naisin sa buhay na gust...
09/01/2024

PROTIPS - Jan 8, 2024
A Right Time for Everything
By Maloi Malibiran-Salumbides

May mga pangarap at naisin sa buhay na gusto nating gawin pero kahit anong pagsusumikap, hindi ito mangyari. Dahil ba mali ang ating hangarin o sadyang hindi pa akma sa panahon? Ang sabi sa Ecclesiastes 3:1, "There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens".

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspiradong buhay at trabaho.

Sa 2 Samuel 7 mababasa natin na gusto ni David na ipagpatayo ng templo ang Diyos, "King David was living in his palace, and the Lord had given him peace from all his enemies around him. Then David said to Nathan the prophet, “Look, I am living in a palace made of cedar wood, but the Ark of God is in a tent!” Pero nangusap ang Diyos kay prophet Nathan at sinabi dito na ang magtatayo ng templo ay hindi si David kundi isa sa mga anak nito.King David wanted to build a temple for God but God said that that assignment was not for him to fulfill but for his son Solomon to work on. Maganda ang hangarin ni David ngunit iba ang kalooban pati na rin ang time table ng Diyos. Ano ang pwede nating gawin while waiting for the right time?

Let's learn from what David did.

1) Seek the Lord for confirmation. May nais gawin si David. Pero sa halip na aksyunan agad ang kanyang gusto, nagtanong muna siya sa Diyos. He consulted the Lord through the prophet Nathan at siya nga ay ginabayan ng Diyos. Yun nga lang, ang sagot ng Diyos ay hindi ang kanyang inaasahan. Paano kung sa halip na "Yes" ay "No" ang sagot ng Diyos sa iyo?

2) Accept and obey the will of God. Hindi mo man maintindihan sa simula ang sagot ng Diyos, trusting that God knows best and He is never mistaken will help you accept and obey His will. Ganito ang nangyari kay David, tinanggap niya at pinasalamatan pa nga na hindi man siya ang magtatayo ng temple para sa Diyos ay mula pa rin sa kanyang angkan ang magsasakatuparan nito. He gratefully accepted the will of God.

3) Channel your energy to other endeavors. Hindi man natupad ang plano ni David, ginamit niya ang kanyang energy para sa ibang assignments na ibinigay sa kanya ng Diyos. Yan ang maganda sa hindi pagtatanim ng sama ng loob o pagtatampo kapag may gusto tayo na hindi nangyari. When there is no bitterness in our hearts, we become available to do other work that are being entrusted to us. Ginugol ni David ang kanyang lakas sa pakikidigma sa mga kalaban ng Israel. His assignment what to defeat the enemies of Israel. God knew that the perfect time to build a temple was not during a time of war but during peace time.

Hindi man si David ang nagtayo ng templo para sa Diyos, he prepared Israel and his son Solomon, to undertake such a huge and important project. David's desire to build a temple for God eventually happened at the right time during the reign of his son, King Solomon.

May tamang panahon para sa lahat ng bagay. At ang kalooban ng Diyos ay tama sa lahat ng panahon.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

PROTIPS - Jan 09, 20243 Things to Remember During Tough TimesBy Maloi Malibiran-SalumbidesTalagang darating at darating ...
09/01/2024

PROTIPS - Jan 09, 2024
3 Things to Remember During Tough Times
By Maloi Malibiran-Salumbides

Talagang darating at darating sa trabaho at negosyo mo ang mga panahong mahirap at puno ng challenges. Hindi na tayo dapat magulat pa kapag may kumatok na problema sa buhay natin. It is to be expected dahil bahagi talaga iyan ng buhay. Gaya halimbawa ng bagyo. Hindi naman natin alam ang eksaktong araw kung kailan ito darating, pero alam na natin na dito sa Pilipinas, hindi bababa sa dalawampu ang mga bagyo na nararanasan natin taon-taon. Expected na iyan kaya dapat ay harapin natin ito ng may kahandaan. Ikaw, kumusta ka naman ngayon? May pinagdaraanan ka ba diyan sa inyong opisina?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

When tough times hit you, tandaan mo ang mga sumusunod:

1) You are not alone. Kapag dumarating ang problema, madalas ang naiisip natin, wala tayong karamay at nag-iisa lang tayo. Pero pakiramdam lang iyan. Ang totoo, hindi tayo iniiwan ng Diyos kundi tayo ang lumalayo sa Kanya. Ang sabi sa Hebrews 13:5, "Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, "Never will I leave you; never will I forsake you." Ang sinasabi dito, huwag nating mahalin ang pera kasi pwede iyang maubos at mawala. Pero ang Diyos, hindi Niya tayo iiwan. Hindi ka Niya pababayaan. Kung may problema man kayong hinaharap ngayon sa trabaho, tandaan mo, hindi ka nag-iisa.

2) You can do it. Walang pagsubok na ibinibigay sa atin ang Diyos na hindi natin kakayanin. Kung sa tingin mo'y di na kaya ng powers mo, ok lang yan, dahil walang hindi kakayanin ang kapangyarihan ng Diyos. You are stronger than you think you are if Christ is in you. Ang sabi nga sa Philippians 4:13, "I can do all things through Christ who strengthens me." Hindi lamang ito magandang quotation, this is truth that you can hold on to.

3) You've been prepared for such a time as this. Sa tuwing haharap ka sa pagsubok, tandaan mo na ang lahat ng nangyari sa iyo bago dumating ang problemang iyan ay paghahanda para mapagtagumpayan at malampasan mo iyan. Parang mga atleta na dumaan sa mahabang pag-eensayo bago lumahok sa isang competition, parang estudyante na pumasok sa eskwelahan at nagreview bago kumuha ng pagsusulit, ang araw-araw na ginagawa mo ay paghahanda para maging matatag tayo sa mga pagsubok ng buhay. When problem comes, ito'y dahil alam ng Diyos na handa ka na para dito.

Wala namang problemang madali. We need to go through tests and difficulties to make us stronger and better. Be thankful when God allows you to go through tough times because you'll have an opportunity to experience His presence, His strength and His victory.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

06/01/2024
06/01/2024

Ano ang dapat gawin sa New Year?

”Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga PAMAHIIN o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.“
‭‭DEUTERONOMIO‬ ‭18‬:‭10‬-‭12‬

Address

Marikina City
1800

Telephone

+639683031255

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when It's Written Apparel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share