18/08/2026
📌 IMPORTANT REMINDER FOR ALL OUR PASABUY CUSTOMERS
Sa lahat po ng nagpasabuy at nagpaplanong sumali sa mga susunod na batch, we are always thankful for your order—mapa isa, dalawa, o marami man po. Same appreciation po ang ibinibigay namin sa inyo. ❤️
We kindly ask for your patience, understanding, and cooperation.
Naka-book na po ang aming flight, at kung kailan po kami uuwi, doon po namin isasabay ang pag-uwi ng inyong mga orders. Kaya po sana ay maintindihan na ang pasabuy ay naka-depende sa travel schedule at hindi po ito instant delivery service.
Ang siningil po naming shipping fee sa inyo ay local shipping lang, dahil ang items ay isasabay lang po namin pauwi. Kaya po sana ay pakiintindi ang proseso ng PASABUY at ang limitasyon nito.
Kung kailangan po ninyo ang item within a specific or urgent timeframe, please consider carefully before placing an order. Ang pasabuy po ay may proseso at timeframe na kailangang sundin, kaya hindi po namin maipapangako ang immediate delivery.
Bago po mag-order, ugaliin po nating magtanong at mag-clarify kung may concerns or special requests, kaysa mag-order agad at saka mag-demand ng changes or special arrangements na wala naman sa agreed terms.
We are always happy to assist and accommodate reasonable requests whenever possible, pero sana po ay may mutual respect and understanding. Hindi po porke nag-order kayo ay maaari nang tanggapin ang anumang pananalita o treatment na hindi na appropriate.
Kung nais po natin ng respeto, respeto rin po sana ang ibigay natin sa isa’t isa. ❤️
Maraming salamat po sa inyong understanding, cooperation, at continued support mga sukiii. 🙏🏻