13/04/2026
Not every ending is a loss. Sometimes, it’s a redirection to something bigger. When one business closes, A NEW DOOR OPENS 🚪✨
2 YEARS din pala tumagal itong Retail Shop ko. January 28, 2024 nung inopen ko to. Naka tatlong tindera din sa loob ng dalawang taon. Yung isa pinalad, nakyontis. Yung isa, ayaw sana umuwi ng probinsya kaya lang nadisgrasya ang Nanay at yung isa naman ay Part timer na studyante. 🫶🏻 Lahat sila wala kaming masamang tinapay sa isa’t isa. Masaya kaming mga nagkasama at nagkakilala.
Dami ko narin naging Suki talaga sa Shop ko na to. Mula sa mga Senior Citizen, sa mga dalaga, mga resellers/selectors. Dami na! Lalo na nitong mga nakaraan na panay branded na ang dinidisplay ko mas dumami sila. Sobrang Salamat po! ❤️
Minsan nga naiinis ako, lalo na kapag halimbawa kakalabas lang ng NEW ARRIVAL ngayon? Yung mga nakapili na, kinabukasan magtatanong na agad “MADAM MAY BAGO?” na para bang mga Siraulo 🤧😅 Ano labas lang ng labas ng puhunan? Di na sinasambot ang tubo? Hahahahaha
Pero ganun pa man, masaya ako lalo pag minsan napapatambay ako sa Shop nakaka chikkahan ko sila. Daming sinasabi pero di talaga bibili. Charot! ✌🏻
Sa Negosyo, hindi talaga lagi laging malakas. Sabi nga “Hindi araw-araw pasko” ibig sabihin nun, may mga araw na buhos talaga ang Sales. May araw din na halos pambayad lang ng bills yung kita. Ganun talaga. SANAYAN LANG YAN AT LAKASAN NG LOOB 💯
Marami akong mamimiss sa UKAY SHOP pero yung mukang to? Hindi nyo parin mamimiss! Kasi ako parin ang nasa pwesto. ABANGAN 🥰