22/11/2024
✔️
“ 150 mo lang ata nabili tas 600 mo ibebenta “
- ah okay sige 150 mo bilhin pero
ikaw bumyahe ng maaga para sa new arrivals
ikaw mag hunt ng mga mabisang item
kapag wala kang nahanap sa isang store maghahanap ka ulit sa ibang ukayan.
hindi ka uuwi hanggat wala kang nabibiling profitable item kasi sayang yung pamasahe mo at effort mong paghahanap kahit paikot ikot kana lang sa mga spots ng mga ukayan.
ikaw makipag tawaran sa makunat na seller
ikaw nadin mag manual wash nyan pag uwi
ikaw nadin mag dryer at mag sampay
ikaw nadin mag steam para good as new
ikaw nadin picture mag anggulo
ikaw nadin mag measure lahat declare mo issue
ikaw mag layouts, edit , marketing video, mag montage ng new drops mo na ilalagay mo sa timeline mo sa page
ikaw mag fit check ng items mo sa reference nila
ikaw umintindi sa mga flakers/joyjoy na buyers
ikaw mag send ng invoice
ikaw pumunta sa J&T para ipaship.
at ang pinaka huli huwag mong kalimutan mag miryenda at magpasalamat kahit papano may biyaya ❤️🙏🏻
MABUHAY LAHAT NG ONLINE SELLERS!