25/10/2025
The Vanishing Campers: Why Some Quit and Why We Stay?
Fancy gears, aesthetic setups, fairy lights and all the hype. Pero tulad ng lahat ng trends, parang nawala din ang hype. Marami na ang nag-quit sa camping kasi hindi nila nakaya yung “real” na part ng camping — yung hindi pinapakita sa pictures.
Camping isn't just about sunsets, chill-moments at feeling Instagram-worthy. Yung mga mahihirap na parte ang kadalasang hindi nakikita ng mga tao, yung pagka-basa sa ulan, yung mga lamok, at yung uncomfortable na pagtulog dahil sa lakas ng ulan, hangin at maiingay na kapwa campers. Hindi pa kasama yung oras at pagod sa pag setup at packing, at yung mga moments na kailangan mo pa maghugas ng plato at maputik na camping gears.
Camping teaches you resilience. Kapag umulan ng malakas, tumagos ang tubig sa tent, o nawawala ang favorite hoodie mo, matututo kang mag-adjust at mag-keep calm. Hindi perfect, pero present ka sa bawat moment.
Camping also teaches resourcefulness. Yung small personal achievements like starting a fire with stones, tumambay sa hamok ng walang cefon at wifi, magluto kahit hindi branded ang cookset, o mag-trekking kahit walang GPS watch. Sa mundo na lahat pwedeng i-order na lang, camping lets you slow down, think, and make do with what you have.
At syempre, patience at perseverance. Masarap yung pakiramdam sa ilalim ng kalawakan, pero mas maganda yung feeling ng matapos mong malampasan yung mga challenges sa bawat araw. Yun yung real reward — hindi lang sa sunsets o sa chill na moments, kundi sa kakayahan mong mag-stick through kahit mahirap.
Kaya, habang marami ang nag-quit, tayo tuloy-tuloy pa rin. Yung mga lessons sa pagiging self-sufficient, appreciation sa simpleng buhay, at yung bond na nabubuo habang nagka-camping, walang social media post na makakapantay dito.
Camping isn’t just about escaping the busy life, it’s about learning to live fully, even in the hardest parts. Ikaw ba, ano ang dahilan kung bakit camping is for you?