24/03/2020
Upang hindi kayo mabahala ay tinitiyak ng SUBICWATER na tuloy-tuloy ang aming pag-monitor ng kalidad ng tubig. Mula sa iba’t-ibang parte ng Olongapo at Subic Bay Freeport, nangunguha ng samples ang aming mobile laboratory upang masigurong pasado sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) at ng Department of Health (DOH) ang ating inuming-tubig.