15/05/2026
Minsan mahirap maging seaman, lalo na kapag gabi na at tahimik ang dagat. Habang lahat tulog, ikaw mag-isa sa barko, iniisip kung kumusta na yung taong naiwan mo sa lupa. Hindi mo man masabi araw-araw kung gaano ka kapagod, tuloy ka pa rin kasi may pangarap kayong dalawa. Ang hirap ng LDR, lalo na kapag ang tanging yakap mo lang ay hangin ng dagat at ang tanging pahinga mo ay boses niya sa tawag. Pero kahit ganoβn, pipiliin mo pa ring magtiis, kasi alam mong balang araw, lahat ng layo, pagod, at lungkot ay mapapalitan din ng pagkakataong hindi na kailangan magpaalam ulit.
Ang sakit magmahal habang nasa dagat ka. Kasi kahit gusto mong nandiyan para sa kanya, trabaho at distansya ang laging kalaban. May mga araw na pagod na pagod ka na sa trabaho, pero mas mabigat pa rin yung lungkot kapag nami-miss mo siya. Tapos minsan maiisip mo, βKaya pa ba niya?β kasi alam mong hindi madaling magmahal ng taong laging malayo. Pero sa bawat alon na hinaharap mo, umaasa ka pa rin na pag-uwi mo, ikaw pa rin yung pipiliin niyang mahalin.
Hindi lahat ng tao kayang intindihin ang buhay ng seaman. Akala nila puro pera at biyahe lang, hindi nila alam kung ilang gabi kang umiiyak sa tahimik na parte ng barko dahil miss mo na pamilya mo at taong mahal mo. Hindi nila alam kung gaano kasakit yung may problema siya pero hanggang tawag ka lang, hindi mo mayakap o mapatahan. Kaya kapag ang isang seaman nagmahal nang totoo, paniwalaan mo, buong puso yon. Kasi sanay siya sa layo, pero hindi siya sanay mawalan ng taong inuuwian niya.