20/03/2021
Share ko lang to kasi lately parang tinatamad na ako mag post or nawawalan na ng gana mag ukay kasi nga sobrang matumal na. Parang halos lahat na kasi ata ngayon seller na din, pinasok na din pag uukay plus pandemic pa, so sobrang hirap na talaga mag benta. Ngayon habang naglilinis ako ng kwarto bigla ko nakita tong mga transactions ko ng shipping, nagulat ako sobrang dami na din pala bumili sakin hindi pa kasama dyan yung mga meet ups kasi wala naman resibo yon. Bigla ko tuloy naisip yung excitement ko nung una akong bumili ng bulto, inutang ko pa yung half nung pangbayad para maka bili talaga ng bale, kasi dati ko pa talaga plano mag benta ng ukay, hindi ko lang alam kung saan ako makakakita ng supplier hanggang isang araw may naligaw sa newsfeed ko sa facebook, nag grab opportunity na ako non. Naisip ko na โngayon pa ba ako susuko?โ E lahat nung una sinuportahan ako, si Mama pati mga tita,pinsan and mga friends ko e sobra akong tulungan and ipush, kasi nga nahihiya pa ako mag tinda Online dati.
Nakakatuwa lang nung nakita ko tong mga resibo ng transactions, bigla ulit akong na motivate. Kaya wala ng ayawan, hanggat may bumibili kahit pa isa or dalawa pa yan, tuloy lang sa pag uupload. Lalago and magiging successful din ako/tayo ๐
Sobrang thank you sa mga old buyers and new buyers ng Styles ๐ฅฒ๐
PS. May mga nabili naman ako ng para sa sarili ko. Katas ng pagiging ukayera ๐