21/08/2026
CLEAN-UP DRIVE | SINAG YOUTH VOLUNTEERS ππ±
Ang paglilingkod ay hindi nagtatapos sa unang araw ng pagkilos. Noong Agosto 21, 2026 (Biyernes), muling nagsama-sama ang mga masisipag na SINAG (San Isidro Network of Active Generation) Youth Volunteers sa M.A. Roxas St. (Manggahan) upang balikan at ipagpatuloy ang gawaing nasimulan noong nakaraang clean-up drive.
Sa muling pagbalik sa lugar, ipinagpatuloy ng ating mga kabataan ang paglilinis at pag-aayos ng paligid, partikular ang mga bahaging nangangailangan pa ng atensyon. Sa sama-samang pagkilos, pagtutulungan, at pagbibigay ng oras para sa komunidad, naipakita na ang tunay na malasakit ay nakikita sa patuloy na pagkilos at hindi lamang sa isang beses na paglilingkod.
Muli, maraming salamat sa lahat ng SINAG Youth Volunteers na naglaan ng kanilang oras at lakas upang maisakatuparan at matapos ang nasimulang gawain. Ang bawat hakbang tungo sa kalinisan ay hakbang din tungo sa isang mas maayos at mas magandang komunidad. ππ±
SINAG β Patuloy sa Pagkilos, Patuloy sa Paglilingkod, Patuloy sa Pagbabago!