22/10/2026
CANLAON CITY BOOTH SA BUGLASAN FESTIVAL SA DUMAGUETE CITY, NASUNOG
Nagkagulo ang mga namamasyal sa Buglasan Festival sa Dumaguete City, Negros Oriental matapos sumiklab ang sunog sa booth ng Canlaon City ngayong Miyerkules ng gabi, Oktubre 21, 2026.
Makikita rin sa video ang mabilis na pagtalon ng mga tao mula sa nasusunog na booth.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero para apulahin ang apoy at patuloy na inaalam ang sanhi nito.
Naisugod naman sa ospital ang ilang naging biktima ng insidente.
πΉ Leochelle Mansueto Borcelas