28/11/2022
It takes courage to grow up and become who you really are. Student pa lang ako nung nagstart ako magwork as employee hanggang sa nagstop ako nung year 2020, may baby na kasi ako at kasagsagan ng pandemic. May nagtanong sakin kung babalik ka pa ba sa work? Sagot ko oo, pag natupad yung pinagppray ko ( my biggest dream). Sabi nya tama yan sayang naman kasi graduate ka, ituloy mo. Para sakin hindi siya sayang Kasi ginagawa ko na yung mga bagay na gusto kong gawin kung hindi ako isang employee at masaya ako ๐ , ika nga life is too short. Now, nagbrebreastfeed pa din ako sa anak ko (30 months & counting). Walang katulong, kaya ito very close talaga kami ng anak ko. Sobrang swerte ko kasi may gatas pa rin ako at nakikita ko ang milestone nya at napakasarap sa feeling pag ikaw nag aalaga sa anak mo. Compare sa uuwe ka galing work at tulog na siya (siguro mamimiss ko yung mga moment na dapat ako una nakakita). Pero dahil meron akong chance magfull time mom ako na lang naggive way dahil yung asawa ko naman ang nagwowork sa malayo para sa amin. Isang sakripisyo din un na magwork tayo para sa pamilya, kaya salute din ako sa mga working parents.
Second nung nabuo namin ang Grawin Collections bagay na pinapangarap lang namin noon na magkaroon ng sariling clothing business, super hirap pala bumuo ng sarili mong negosyo. Kasi pagsisikapan mo mabuo yung tiwala sayo ng mga tao para bumili ulit sila . Nakakapuyat rin pala pag super nageenjoy ka sa ginagawa mo. Dito ko natutunan gumamit ng mga marketing strategies bagay na di ko nagagawa noon sa previous work ko dahil noon puro employee concerns naman ang inaasikaso ko sa work. Pangatlo, nung lumakas na ang loob ko pinasok ko na ung paggawa ng content sa youtube o pagvvlog. Di ko din akalain na mapapasok ko toh kasi una sa lahat mahiyain ako at kulang ako sa time. Pero pag gusto mo laging may paraan, lalo nat hilig ko talaga ang video editing. Dati mas gusto ko magwork na hindi nakaharap lagi sa tao.Pero ngayon I am creating my own audience at may naiinspire na pala ako . It takes time magkaroon ng courage. And praying for the future na ibigay samin yung ibang pinapangarap namin .
Minsan bago natin gawin ang isang bagay panghihinaan tayo kasi mas maraming magaling. Nacocompare natin minsan ang sarili natin. Pero bakit di mo itry? Bago sila naging successful dumaan din sila sa zero. Gawin mo na ung mga plano mo sa buhay. Tuparin mo yung mga gusto mong gawin kasi Life is too short... Sayang yung time,kaya gamitin natin ito ng maayos. ๐ Try lang ng try.
PS. Starter pa din ako until now. Kailangan pa rin natin magtrabaho para maging successful. Support nyo po ๐
๐๐น๐ผ๐๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐๐ถ๐ป๐ฒ๐๐ https://www.facebook.com/grawincollections?mibextid=ZbWKwL
๐ฌ๐ผ๐๐๐๐ฏ๐ฒ ๐๐ต๐ฎ๐ป๐ป๐ฒ๐น
https://youtube.com/