Yup i am this girl

Yup i am this girl Jenny Online Shop

10/11/2017

12 Masustansyang Prutas Sa Pilipinas
Ni Dr Willie Ong

Heto ang mga masustansyang prutas na mabibili natin sa Pilipinas:
1) Ubas – Ang ubas ay may tannins at flavonoids na puwedeng makapigil sa kanser. Kumain ng ubas kung ika’y nagpapagaling sa sakit. At kapag kulang sa dugo at mahina ang katawan, kumain ng ubas para manumbalik ang iyong sigla.
2) Pakwan – Panlaban ang mga ito sa sakit sa bato at pantog (kidney at bladder infection). Ang pakwan at melon ay punong-puno ng vitamin C at potassium. At kapag tag-init, ang katas nito ang kailangan ng ating katawan.
3) Peras (Pears) – Ang peras ay mayaman sa fiber at sorbitol na makatutulong sa pagdumi. Ang fiber ay nagbibigay ng hugis (o bulk) sa dumi. Ang sorbitol naman ay nagbibigay ng tamis sa peras at naghahatak ng tubig sa loob ng bituka para lumambot ang dumi.
4) Suha – May tulong ang suha para makaiwas sa kanser at para sa may diabetes. Ang balat ng suha ay may sangkap na bioflavonoid. Ito’y nakatutulong sa pag-iwas sa cancer, lalo na sa breast cancer. Kung ika’y may diabetes, puwede sa iyo ang suha at mansanas. Paalala lang na 3 o 4 na hiwa lang ang kainin.
5) Strawberry – Naniniwala ang mga eksperto na panlaban sa kanser ang strawberry. Mag-ingat lang kung allergic sa strawberry. Hugasan maigi ito bago kainin.
6) Saging – Mainam ang saging sa mga nag-e-ehersisyo at sa may sakit sa puso dahil may taglay itong potassium. Para sa hindi makatulog at stressed sa buhay, nakapagpaparelax din ang saging dahil sa sangkap nitong tryptophan.
7) Abokado – Ang abokado ay may taglay na good fats at healthy oils. Dahil dito, nakatutulong ito sa pag-iwas sa sakit sa puso at istrok. May sangkap din itong vitamin B6 at vitamin E na nagpapakinis ng ating balat.
8) Papaya – Mataas sa vitamin A at vitamin C ang papaya kaya nakatutulong ito sa ating kutis. Ang papaya ay may papain, isang kemikal na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at sa pag-regular ng ating pagdumi.
9) Pineapple (Pinya) – Ang pineapple ay may bromelain na nagpapalakas ng ating resistensya. May sangkap din itong manganese at vitamin B na nagbibigay lakas sa ating katawan.
10) Buko – Ang buko juice at nakatutulong sa may kidney stones (bato sa bato).
11) Mansanas – May vitamin C at anti-oxidants ang mansanas. Mahalaga na kainin din ang balat ng mansanas dahil may taglay itong pectin na nagtatanggal ng dumi sa ating katawan. Panlaban ang mansanas sa mataas na cholesterol, arthritis at sakit ng tiyan.
12) Orange – Masagana ang orange sa vitamin C na panlaban sa sipon, ubo, hika at arthritis.

10/11/2017

Kamote: Puwede sa Diabetes, Ulcer at Sakit sa Puso Video ni Doc Liza Ong #200 Nilagang Kamote, Maraming Benepisyo: 1. Para sa mata at puso - may beta caroten...

10/11/2017

Kapag Busog Bawal Matulog, Tamang Posisyon ng Pag-Tulog, Iwas Sakit. Ngipin Tips. Video ni Doc Willie Ong at Doc Liza Ong LIVE (5/16/17, Part 2) #378 1. Kapa...

10/11/2017

Buhok: Para Gumanda at Lumago Video ni Doc Liza Ong at Doc Willie Ong #344 1. Tapos maligo, dahan-dahan lang sa pagtuyo ng buhok. Marupok ang buhok habang ba...

grabehan!!!!
09/11/2017

grabehan!!!!

Tipong hindi halata sa itsura..

25/10/2017
21/10/2017

Bot Healthy ~ Feeding your mind with knowledge to make you healthy

21/10/2017

Saan ka addict?
Ni Dr. Willie T. Ong

Iba’t-ibang tao ay may kanya-kanyang hilig. Maraming klase ang “addict” na Pinoy.
1. Droga - Mayroong 3.4 milyong gumagamit ng droga sa Pilipinas. Laganap talaga ang problemang ito sa bansa natin. Bakit ba nawiwili dito? Tumataas kasi ang kemikal na dopamine sa utak ng mga alkoholic at drug addict. Ito ay nakapagbibigay ng panandaliang sarap o “high.” Masama ang droga at huwag nang subukan ito.
2. Alak - 8% ng populasyon ay alkoholic. Ang ibig sabihin ay hindi nila mapigilan ang pag-inom ng alak. Alam niyo ba na ang alak ay hindi talaga nagpapasaya, at sa katunayan ay nakapagdudulot pa ng depression.
3. Pagkain – Ayon sa pagsusuri, 15% ng mga tao ay addict sa pagkain. Oo, di biro iyan. Ang Bulimia ay isang sakit ng sobrang pagkain, pagkatapos ay isinusuka nila.
4. Sigarilyo – Sa Pilipinas, 47% ng kalalakihan ay naninigarilyo, at 16% ng kababaihan ay nagyoyosi din. Pero ang masaklap dito ay 33% ng ating kabataan ay naninigarilyo na pag dating ng edad 14. Masama po ang manigarilyo. Gawin ang lahat para maihinto ito.
5. Sugal – Base sa pagaaral, 1% ng mga tao ay addict ay sugal. Sa tingin ko, mas mataas ang bilang ng mga addict sa sugal. Isasali pa ba natin ang mga addict sa lotto, tong-its at sabong?
6. Kape – Umaabot sa 80% ng populasyon ang malakas uminom ng kape. Nakaka-addict kasi ang caffeine. Babala lang: ang caffeine ay nagpapabilis ng tibok ng puso at nagpapataas ng presyon ng dugo. Kaya hinay-hinay lang sa pag-inom.
7. Shopping – Kung ang siyota o misis ay addict sa shopping, patay kang bata ka. Window shopping na lang, ok pa.
8. Internet – Iyan ang bagong kinahihiligan ng kabataan. Addict sa chat. Addict sa Friendster.
9. S*x – Huli sa lahat, mayroong ding addict sa s*x. Ang kailangan nila ay s*x therapist o psychiatrist.

Kung ang pagiging “addict” ng isang tao ay nakasisira sa kanyang trabaho o pagtulog, dapat nang magpatingin sa doktor. Ano ang solusyon sa mga addict? Magkaroon ng tamang pananaw sa buhay. Maging abala sa mabubuting adhikain. Kadalasan ay ikaw din ang makapaglulutas ng iyong problema. Good luck!

20/10/2017
16/10/2017

Tamang Pagligo Para Kuminis Ang Balat
Dr. Willie T. Ong

Ayon kay Dr. Katty Go, isang dermatologist sa Manila Doctors Hospital, may tamang paraan ng pagligo. Sundin natin ito.
1. Huwag lalampas sa 7-10 minuto sa shower. Ang pagbabad tubig ay nakatutuyo ng balat. Pagmasdan mo ang iyong kamay kapag matagal ng nakababad sa tubig. Kumukulubot hindi ba?
2. Magkuskos lang ng bahagya. Alam kong gusto natin maging malinis. Pero kung hindi naman tayo ganoon kadumi sa maghapon, huwag nang magkuskos ng malakas. Hindi rin pinapayo ni Dra. Katty Go ang pag-gamit ng hilod o lufa. Kapag sobra ang pagkukuskos, matatanggal ang oil (o moisture) na nagpapakinis sa ating balat.
3. Maglagay ng lotion o bath oil agad pagkatapos maligo. Ayon kay Dra. Katty Go, ito ang pinakamagandang panahon ng paglagay ng lotion o bath oil (mabibili ito sa supermarkets) dahil nakabukas pa ang ating mga pores sa balat. Lagyan ng lotion ang mga tuyong parte ng katawan tulad ng siko, kamay, paa, tuhod, tainga at batok. Kung nalalagkitan ka sa lotion, subukan ang bath oil.
4. Kung masyadong tuyo ang iyong balat, maglagay ng pangalawang pahid ng lotion. Sa unang pahid ay na-a-absorb ng ating balat ang lotion. Kaya puwede mo pang lagyan ng isang pahid ng lotion.
5. Sa pagpili ng lotion at sabon, umiwas sa mga may matatapang na pabango, na puwedeng magdulot ng allergy. Maganda ang Ivory soap (walang pabango) at Dove soap (na may oil). Kung gumagamit kayo ng Dove soap, mapapansin ninyo na may natitirang oil sa iyong balat kapag ika’y nagbabanlaw na. Huwag mo nang piliting alisin itong oil dahil nakatutulong ito sa pagpapalambot ng iyong balat.
6. Tandaan: Huwag gumamit ng sabon panlaba para sa iyong kamay o katawan. Matapang ito at nakasisira ng kutis.
7. Pagkatapos maghilamos ng mukha, puwedeng gumamit ng moisturizer para sa mukha. Lagyan din ang ilalim ng mata para mabawasan ang wrinkles sa eye bags.
8. Okay lang kung gusto ninyong maligo ng malamig o mainit na tubig. Para sa akin, mas gusto ko ang maligamgam na tubig.
9. Sa pag-shampoo ng buhok, siguraduhing basang-basa ang iyong buhok bago ito lagyan ng shampoo. Huwag gamitin ang sabon bilang pang-shampoo, Hindi ito angkop (mali ang Ph) para sa buhok. Kung may balakubak, gumamit ng mga anti-dandruff shampoo. Dapat mo lang iwan ng 5 minuto ang shampoo sa iyong buhok at anit para mabawasan ang balakubak.
10. Puwedeng gumamit ng astringent tulad ng Eskinol para linisin ang iyong mukha ng mga 2 beses kada linggo. Dahil may sangkap itong alcohol, natatanggal nito ang mga dumi na hindi kayang tanggalin ng sabon. Ngunit, paminsan-minsan lang ito gamitin dahil nakaka-dry ito ng balat.

15/10/2017

OVARIAN CANCER ay ang pinaka-nakamamatay sa mga kanser ng mga kababaihan. Mula sa diagnosis, halos 70% ng mga pasyente ay namamatay sa loob ng limang taon at umaabot sa hanggang 90% ang namamatay dito sa loob ng sampung taon.

Walang iisang sintomas na eksklusibo sa ovarian cancer at maaari pa nga itong walang sintomas sa mga maagang stage nito o di kaya naman ay naiuugnay ang mga sintomas nito sa iba pang mga mas simpleng kondisyon na hindi kanser. Hindi ito nakikita sa Pap smear at wala ring screening test sa kasalukuyan para ma-diagnose ito nang maaga. Dahil dito, halos 70% ng mga pasyente ay nasa Stage 3 o Stage 4 na kapag na-diagnose. Pero kung maagapan ito sa Stage 1 pa lamang, tumataas sa halos 90% ang tsansa na mabuhay mula sa sakit na ito.

Ang isang babae ay may mas mataas na tsansang magkaroon ng ovarian cancer kung siya ay:
– Nasa middle age o mas matanda
– May malakas na family history ng ovarian, breast at colon cancer tulad ng sa mga pamilyang may BRCA mutation at Lynch syndrome
– May personal history ng breast cancer
– Labis ang katabaan o timbang (obese)
– Maagang nagregla (before 12 years old)
– Late nag-menopause (after 52 years old)
– Nahirapang mabuntis o hindi nabuntis o nanganak kailanman
– Tumanggap ng fertility drugs tulad ng clomiphene
– Nag-MENOPAUSE na at uminom ng hormone replacement therapy na ESTROGEN ONLY at walang progesterone nang higit sa 5 taon***
(***Paalala: HINDI ito pareho sa karaniwang ORAL CONTRACEPTIVE PILLS para sa mga naka-FAMILY PLANNING.)

Anu-ano ang mga posibleng sintomas ng ovarian cancer?
– Madaliang pagkahapo o pagkahingal
– Pananakit ng tiyan, puson, balakang o ibabang bahagi ng likuran
– Paglaki, pamamaga o pakiramdam na parang may hangin ang tiyan
– Pag-ihi nang madalas o pagkabalisawsaw
– Hirap sa pagdumi
– Madaliang pagkabusog o pakiramdam na nasusuka pagkatapos kumain
– Mga pagbabago sa regla
– Pagdurugo sa puwerta
– Pagtaas o pagbaba ng timbang na hindi sinasadya

Ngunit ang pagkakaroon ng isa o ilan sa mga sintomas na nabanggit ay HINDI KAAGAD nangangahulugan na ang isang babae ay may ovarian cancer. Mas madalas pa rin na may ibang mas simpleng dahilan ang mga sintomas na nabanggit, kaya mahalagang alamin kung ano ang normal para sa iyong katawan. Kung ang isang babae ay may ovarian cancer, ang mga sintomas na nabanggit ay mapapansing MAS LUMALALA SA PAGLIPAS NG PANAHON dahil ang paglaki ng bukol ay maaaring magdulot ng sakit o umipit sa mga katabing organ tulad ng pantog o malaking bituka kaya maaaring maapektuhan ang pag-ihi o pagdumi. Sa mga ganitong kaso, KAILANGANG MAGPATINGIN NANG PERSONAL SA ISANG DOKTOR (OB-GYN) para masuri nang mas mabuti at magawan ng mga nararapat na laboratory test.

Tandaan: Ang mga impormasyon sa pahinang ito ay hindi naglalayong pumalit sa karampatang personal na konsultasyon sa isang doktor.

– Dr. Meredith Garcia

Paki-LIKE ang page niya - K*K: Kaalaman at Katotohanan ukol sa Kanser by Dr. Meredith Garcia

14/10/2017

After a long flight, a fashion icon needs her much-deserved rest. A well-rested Barbie is ready to explore Manila soon. ;)

Address

Quezon City

Telephone

+639394171651

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yup i am this girl posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share