02/08/2026
HAPPY FIRST ANNIVERSARY, SENTIMENTAL WEAR! 🍾
Una sa lahat, maraming salamat sa Panginoon dahil nalampasan at naitawid ang unang taon ng Sentimental Wear. Hindi naging madali ang journey na ito, pero tunay ngang God will make a way.
Nagpapasalamat din ako na binigyan ako ng Diyos ng lakas at sipag para ipagpatuloy ang brand na ito. Kahit doble ang trabaho ko dito sa Japan at isa na akong ama, pinili kong magpatuloy at mag-grind sa tamang paraan para sa pamilya ko at sa pangarap na ito.
Hindi naging perpekto ang unang taon. Nagkaroon tayo ng ilang problema sa materials at shipping. Dumating din sa punto na nagkaroon ng financial problem ang brand dahil sa isang collaboration para magkaroon tayo ng physical store. Hindi man naging effective ang resulta, parte talaga iyon ng negosyo. Minsan panalo, minsan may pagkatalo, pero bawat experience may dalang aral.
Sa kabila ng lahat, sobrang grateful pa rin ako sa Diyos. Maraming salamat din sa dalawang brand na nakasama ko sa collaboration dahil sa suporta ninyo sa Sentimental Wear. At higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng loyal buyers at customers. Kung wala kayo, hindi aabot ng isang taon ang brand na ito.
Gusto ko lang maging transparent dahil naniniwala akong hindi lang success ang dapat ipinapakita, kundi pati ang mga pagsubok na humubog sa atin.
Ito pa lang ang simula. Marami pa tayong pangarap na bubuuin, maraming design na ilalabas, at mas marami pang taong maaabot.
Maraming salamat sa inyong lahat.
TO GOD BE THE GLORY! 🙌🧎➡️🙏🏻
— The Founder of Sentimental Wear 🔥