12/05/2024
๐๐ฅ๐๐-๐ช๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ ๐ก'๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐๐ฅ!!! ๐โจ
'Di madali maging student seller, most especially graduating pa ako. Ang dami ko nang pinasukan na trabaho para kumita ng pera habang nag-aaral. Naging babysitter, cashier sa grocery store, call center agent, at small-time business owner ako. Ang hirap-hirap dahil buong buhay ko, wala akong ginawa kundi gawing mundo ang pag-aaral. Kaya 'di ko na-visualize na darating ako sa point na kailangan kong i-compromise 'yong studies ko para lang kumita. Pero wala na yatang mas hihirap pa sa pagpili na magstop muna sa business, hindi dahil gusto ko or 'di na ako masaya, kundi dahil sa ngayon, wala akong choice kundi magstop muna โulitโ. ๐ฅน
One of the reasons why 'di na ako nakakapagrelease ng new collection or even posting shop updates for a month already is because of this. Isang buwan na lang, GAGRADUATE NA AKO. And we all know na kapag graduating student, nagsasabay-sabay lahat ng problema. Pagod, gastos, lungkot, at hirap. Buti na lang talaga at 'di ko na ulit naranasang magutom. Idagdag mo pa sa nagsabay-sabay ay 'yong paglipat ng tirahan, graduation pictorial, final thesis defense, 600-hour OJT, at personal errands. Nagsstart na rin kasi ako tumanggap ng academic commissions for extra income hehe. Nalulungkot ako nang sobra kasi nagstop na naman ang business ko na naging happiness ko na rin kasi nakakameet ako ng bago at iba't-ibang klase ng tao na naging part na talaga ng personality ko. That what excites me kasi e, meeting new people with different perspectives. Wala e. I just had to stop. Gano'n kasi talaga, kilangang mamili ng ipa-prioritize. Magpapahinga lang ako saglit pero babalikan ko kayo, mga sis! 'Wag kayong mawawala sa list prospects ng business page ko please huhu! At kapag bumalik ako, sana nand'yan pa rin kayo; handang bumili at magpromote ng products ko in simplest ways. 'Di ko lahat maa-achieve ang mga achievement na mayroon ako noon at ngayon, whether big or small, kung hindi dahil sa in'yo. Sobrang grateful ako sa in'yo. MARAMING-MARAMING SALAMAT! MAHAL KO KAYO NANG SOBRA-SOBRA! ๐ซถ๐ป
Special thanks sa Kuya kong nagbigay sa'kin ng kauna-unahang puhunan ko na talagang nagstart from scratch tapos na-scam pa sa items pero 'di pa rin nagstop magbigay sa'kin ng pera para tulungan ako kasi dito ako masaya. Sa boyfriend ko na tumutulong sa akin na magsort, maglaba, magsampay, magphotoshoot, at magbenta online ng mga paninda ko. Sa besties ko na pinush akong kumuha ng creative shot package for the graduation pictorial para raw sulit ang binayad sa makeup artist and hairstylist, kasi sabi ko, ayaw ko na talaga dahil ang dami kong props na dadalhin sa school. Kumbaga, iniisip ko pa lang na bitbit ko lahat ng mga materials ko for the shot, napapagod na ako (but here you go). Sa pamilya ko na sinusupport ako financially, and most especially emotionally, salamat dahil day-by-day, pinaparamdam n'yong sobrang importante ng emotional and moral support. Sa nanay kong nasa heaven na, I hope you're proud of me, Nanay. Miss na kita sobra huhu. 'Di man kayo kita lahat sa picture, kasama ko kayo palagi sa puso't isipan ko. Mahal na mahal ko kayong lahat!!! And of course, to myself, I am so proud of you for making yourself a bigger person everytime there's an opportunity to seize. Thank you, self, for holding it together and making your journey this far! ๐ฉท