04/03/2021
❣️Reminder & frequently asked questions about ukay-ukay bales❣️
Read first please, lalo na sa mga gustong kumuha ng ukay/bulto o gustong pasukin ang buhay ukay para may idea sa papasukin na negosyo.
🍂 Paano po mag start?
For example nagbukas ka ng isang bale/bulto ng ladies tshirt. Una i-sort ito, itabi mo yung sa tingin mo maibebenta mo ng 80-120 pesos yung magaganda at walang damage. 50 pesos naman yung hindi kagandahan at may konting issue.Ang isang bulto ng ladies tshirt ay naglalaman ng 250 estimated more or less.
Halimbawa Nakakuha ka ng 100 pcs na magaganda at walang damage at makikinis ang tela pwede mo ibenta ito ng 80-120 pesos pero kung ibenta mo lang kahit sa 80 pesos multiply by 100 pcs. = 8000 na ang pwede mo maging benta.Meron ka pa natitira 150 pcs na pwede mo ibenta sa halagang 50 pesos 150 pcs x 50 pesos = 7500 diba tubong lugaw kana 15,500 kung tutuusin💸💰 pero hindi ganon ganon lang yon. Bago ka kumita paghihirapan mo muna syempre hindi pupwede yung uupo ka lang at makukuha mo na kaagad ang ganyan kalaking kita sa pag uukay. Eto lang naman ang susi. Kung pipiliin mo magbenta thru online selling/posting para maganda ang kalabasan ng pagpresent mo sa produkto mo, una labhan mo para umunat yung damit, no need na plantsahin dahil kapag nalabahan na ay okay na basta tupiin lang ng maayos at himasin ang mga lukot para mas lalo umunat.Pangalawa, kapag magpipicture kana piliin mo yung lugar na maganda ang lightning para mas makita ng buyer ang kalidad ng iyong produkto. Mas maganda mas mabili diba at gaganahan bumili ng paulit ulit ang costumer🥰
Pangatlo sipagan mo sa pag upload pagshare ng photos ng mga paninda mo or pwede live selling Pwede ka din magboost ng post para mas madami ang makakita ng binebenta mo.Sipag at tyaga lang ang kailangan.
🍂Lahat po ba ng laman ng bale ay maganda? Baka po lahat pangit? Katulad po ba yan ng mga pinopost nyo? ☺️
Sa totoo lang, lahat ng bulto para sakin ay maganda lalo na’t kung bibigyan mo ito ng effort. Hindi nawawala sa isang bulto ang damage,stain,butas/punit kasi nga po second hand clothes po ito.Walang bultong walang may nahahalo na may stain maliban nalang kung jackpot ka sa mabubuksan mong bulto. Hindi magiging katulad ng post ko yung makukuha nyo kung hindi kayo mag eeffort. Iba iba po ang laman at wala pong kambal na bulto.
Ang pag uukay ay para lang sa kayang ihandle yung risk. Wag ka sumugal kung takot ka matalo. Kailangan dito ng sipag at tyaga lalo na ang “DISKARTE” ✨
Dahil sa ukay, kapag natalo ka wala ng balikan. “NO RETURN NO EXCHANGE and NO REFUND.
🔑Malaki ang kita kapag bultuhan ang kinuha. Pero dapat may lakas ng loob at diskarte.
-Nikka’s Ukay-ukay Bales