03/10/2025
Habang maulan at ako'y nagbabasa ng isang libro, may nabasa ako na nakuha ang aking atensyon. Sabi sa libro na aking binabasa, sino nga daw ba ang tunay na mangmang? Ang tunay na mangmang daw ay ang mga taong tinatanggi na mayroong Diyos. Bigla akong napahinto at napaisip dahil mayroon akong naalala. Sabi sa Biblia kapag kinahiya natin ang Diyos, ikakahiya din niya tayo sa harapan ng Ama. Bigla kong naisip kapag tayo'y inuusig at sinasabihan na 'pala basa ka pa naman ng bibliya, pala simba ka pa naman, tapos ganiyan ka.' Ano ang sinasagot natin? Kasi ako lagi kong sinasabi ang pagkakasala ko ay hindi pagkakasala ng Diyos. Dahil sa pagkakasala ko, ako mismo ang gumagawa at ako mismo ang nagdesisyon na gawin yun, kaya bakit kailangang idamay ang Diyos? Hindi ko ikakahiya na oo, aktibo ako sa simbahin. Yes, nagbabasa ako ng salita ng Diyos, pero nasa katawan pa rin ako ng tao. Yes, inaamin ko marami akong nagagawang kamalian sa buhay, minsan pa nga sa tao. Pero hinding-hindi ko ikakaila na may Diyos. Sapagkat ang Diyos ay tunay at ang Diyos ay walang hanggan.
At ang Diyos lamang ang hindi nagkakasala kailan paman. Magandang araw po! ☺️