09/04/2021
BAKA PO MAY GUSTO. PLEASE TAKE TIME TO READ.
Ina Co. Never Give Up Shirt for A Cause (380.00 PESOS)
350 php na lang po sa bibili ‼️‼️ message lang po kayo dito sa page.
Pasensya na po kayo kung bbenta pa rin po namin 'to, friends and family humihingi na lang po kami ng tulong MABAWASAN ito kahit hindi na po maubos. Originally Fundraising Shirt po ito na isinagawa ng aming pamilya last January 2021 with the help of PRINT NINJAZ for our mother, Mrs. Cecilia Alegre- Luceros' 3rd chemotherapy session.
Unfortunately our beloved Mother, as you may already know passed away 18th of January this year just few days before her 3rd chemo. Proceeds po ng shirt-for-a-cause ay ginamit nalang po sa burial at interment ni mommy. Dahil marami pa po natira na tshirt, baka po may gusto nito sa inyo, hindi po namin kayo pinipilit.. Sa may gusto lang po!! Willing bumili, willing makatulong. Makakaasa po kayo na ang mapagbebentahan ay maibabayad pa rin po sa mga naiwan ni Mommy na hospitalization na hinuhulugan pa rin po namin buwan-buwan. Hindi po mawawalang saysay ang 350 pesos ninyo. Salamat at God Bless sa lahat.
---------------------------------------------------------------------
Maikling background lang po para sa hindi po nakakaalam at sa mga tanong na hindi namin masagot noon
-June 2020 po unang nakaramdam si Mommy ng hirap sa paghinga.
-Nagpacheck up po siya sa clinic ng isang Doktor sa Silang Cavite through Voice call dahil pandemic at ang diagnosis po sa kanya ay hypertension.
-Sinabi po sa kanya ng isang Health Worker ng Silang RHU na magpatingin po siya muli sa Estrella Hospital dahil kakaiba po ang paghinga niya. Sa Estrella po, pagpasok palang ni mommy ng kwarto ng isang Doctor ay sinigawan siya, sinabing lumabas siya dahil inakala po nila ang sakit ni Mommy ay COVID-19 (dahil na rin po siguro sa kakaiba at hirap na hirap na paghinga ni mommy) naglayuan po lalhat ng tao sa kanya sa takot po siguro nung ikinuwento pa nga ito ni Mommy sabi niya ay parang sinabugan ng granada yung mga tao bigla nagtayuan at lumayo sa kanya.
-July 2020 po nuon mula Estrella sinugod po si Mommy at naadmit sa TMC.Hanggat wala pa pong COVID result hindi po siya pwede alisin sa ICU. Nagstay po sila ng TMC kung saan umabot ng lagpas lagpas 600k ang bill niya dahil daw po ito mahal ang ICU, at ang mga PPE. nagnegative po si mommy sa covid-19. kaya patuloy na inaalam pa kung anung sakit niya.
-Mula June hanggang January nagpalipat lipat mula Estrella Hospital to TMC to CIDH to EACMC to SSMC at pinagpasapasahan ng lagpas sa limang Doctor si Mommy. Nagkaroon po sya ng tubig sa baga. Nawala po ito nung nanggaling sya ng TMC pero hindi po nila masabi kung anung sakit ni mommy. Wala po kami gaanong kaalaman sa Medical Field kaya ang pamilya namin ay nasunod lang sa mga sinasabi ng mga doctor. Nirefer po kami sa CIDH dito nilagyan si mommy ng tubo na dndrain every other day hanggang sa lumobo narin pati ang tiyan niya.
-Sa dami ng Doctor na humawak sa kanya at ospital na napuntahan niya wala ni isa po ang nakapagsabi kung ano ang sakit niya. Hindi namin alam kung dahil ba rare yung kalagyan ni mommy, o dahil wala lang kaming pera kaya hindi umuusad ang kaso niya. Walang nakapagrekomenda paano malalaman ang sanhi at ano ang solusyon sa sakit niya. May nakalagay sa diagnosis/abstract na PNEUMONIA LANG, MAY ISANG DIAGNOSIS NAMN NAKAINDICATE NA BAKA COVID ( nung nag negative po ang swab test nya) ANG SUMUNOD NA NAKALAGAY SA ABSTRACT AY BAKA TB, MAY DOCTOR NAMAN NA NAGSABI NA BAKA LUNG CANCER DAHIL LUMABAS SA ISANG LAB RESULT ANG "MALIGNANT LUNG CELLS". Kaya sa mga nagtatanong po noon pasensya na po, dahil pati kami ay hindi rin po namin alam ang isasagot kung anung sakit niya.
-December 2020 isang gabi umuwi si Mommy mula ospital at ayon sa huli niyang naging Doctor na isang oncologist ang sakit niya daw ay lung cancer pero walang stage. WALANG STAGE. YAN PO ANG ALAM NAMIN. Itong Oncologist na ito po ang nakapagsuggest sa kanya ng chemotherapy. After ng unang chemotherapy,,,
-JANUARY 5, 2021 pagkatapos ng pitong buwan na paghihirap ni mommy sa sakit niya, at panghihingi sa mga kamag-anak, pangungutang sa mga kakilala, lahat na po ng pwede lakarin ay inasikaso po namin kagaya ng mga medical assistance dahil hindi na po namin kaya ang mga hospital bills mula sa mga nakaraang doctor at ospital at ang mga darating pa na chemotherapy sessions.
JANUARY 5, 2021
DITO NABASA PO NG ISA SA AMIN NA MGA ANAK NIYA SA MEDICAL ABSTRACT NAKASULAT ANG" STAGE IV OVARIAN CANCER". MALINAW NA MALINAW PO. NAKAKABIGLA. DAHIL ANG ALAM PO NAMIN KAPAG GANUN, UNANG SINASABI SA PAMILYA NG PASYENTE :((( PERO HINDI PO ALAM NG KAHIT ISA SA AMIN. BAKIT HINDI SA AMIN SINABI NG DOCTOR?????NAKAKAGALIT PO.. PERO WALA KAMING MAGAWA DAHIL SOBRA SOBRA NA PO ANG HIRAP NG BAWAT ISA SAMIN PARA GUMALING SI MOMMY AT PARA HUMANAP NG MAIPANGPAPAGAMOT NIYA, HINDI NA PO NAMIN INASIKASO ANG PAGREREKLAMO SA DOCTOR NA ITO.. . ILANG ARAW LANG PO ANG NAKALIPAS AY BINAWIAN SI MOMMY NG BUHAY JANUARY 18, 2021...... Sana po, may doctor na makabasa nito, at matulungan po kami malaman kung Ovarian Cancer nga ba talaga ang sakit na kinamatay ni Mommy. Dahil hndi po namin alam. Pashare po please. Pashare po.
NAWALA SA ISANG IGLAP, SANA LANG SA MGA SUSUNOD WALA NA PONG MAKARANAS NA CANCER PATIENT KAGAYA NITO. NAWA LAHAT PO AY MAKASURVIVE AT MAKATAGPO NG MGA RESPONSABLE AT MAASAHAN NA MGA DOCTOR AT OSPITAL..
WE ARE SADDENED WITH MOMMY'S DEATH, BUT WE WILL NEVER GIVE UP 🙏🙏 SALAMAT PO SA NAGBABASA HANGGANG DITO.