23/06/2026
PLANADO ANG SCHOOL SHOOTING SA TACLOBAN CITY
JUST IN: Sinabi ng Eastern Visayas PNP na pinagplanuhan ng isang buwan ang nangyaring school shooting sa San Jose National High School, Tacloban City, Leyte nitong Lunes ng umaga, Hunyo 22, 2026.
Kumalat rin sa social media ngayon ang conversation ng dalawang menor-de-edad na suspek sa nangyaring school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte. Base sa mga screenshots, nagplano ang mga suspek na magdala ng baril at kabilang ang Juvenile Justice and Welfare Act sa binanggit ng mga suspek sa kanilang pag-uusap.