18/08/2026
After this GHOST MONTH , balik talaga normal price 🤍
Last time, habang nag-uusap kami ng co-seller ko tungkol sa mga pasaway na buyers, napansin namin na daming online sellers na mura magbenta ng items nila. Pero ang sabi niya sa akin, never daw siya magbababa ng price which is tama naman. Kasi raw low prices attract cheap buyers. 🫵🏼
Nung una, hindi ko nagets, pero I looked at it from another perspective. Narealize ko na totoo pala: kaya pala 'pag may sale ako, madalas 'yung mga buyers na 'yon ang mahirap singilin, mahirap kausap, at madiwara sa pick-up at payment. 🤷🏻♀️ Kaya hangga't kaya mong i-market ang paninda mo, 'wag mong ibababa ang presyo mo. Sa dami ng online sellers ngayon, presyo na lang talaga ang basehan ng mga buyers kasi nakikita nila halos pare-parehas nalang din naman ang tinda. Pero ang tanong, kumikita ka ba? kapag masyadong mura ang paninda mo, hindi mga appreciative customers ang nahahatak mo kundi mga barat, entitled, at sakit-sa-ulong buyers.
Online sizzies, Don't settle for less! 🫡