06/10/2024
Best Portrait Project | Top 10 Finalists | Rodel Cayanan
"Kami po ng aking kaibigan ay benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa National Capital Region. Bilang mga miyembro, ipinagmamalaki namin ang aming paglago sa programang ito. Nagsimula kami sa mga business-related topics na natutunan namin habang kami ay umaattend ng seminar. Bilang magkaibigan at lagi kaming magkasama, napagplanuhan naming pagsamahin ang benepisyong aming nakuha at bumuo ng sarili naming partnership sa aming negosyo.
Ginagamit namin ang aming benepisyo bilang puhunan sa pag-order ng mga produkto na kami rin mismo ang nagsusupply at nagdedeliver sa mga nangangailangan nito, tulad ng canteen, tindahan, karenderia, at iba pa. Mas minabuti naming hindi na kumuha ng pwesto upang mas makatipid, at ang tanging puhunan namin ay ang pakikipag-usap at ang SLP funds. Ang mga resibo at financial transactions namin ay masusi naming itinatabi at minomonitor upang makita ang aming paglago.
Sa ngayon po, patuloy pa rin kaming nagsusupply ng mga produkto gaya ng tubig, soft drinks, bigas, meat products, grocery items, at kung ano mang hilingin ng aming mga kliyente. Bilang mga miyembro ng SLP, kami po ni Jack Abarquez ay proud na parte ng programang ito at patuloy na umuunlad."
Sulong Kabuhayan tungo sa Pagyabong!
Vote for your favorite SLP portraits now!
Voting is open until October 7, 12:00 p.m. only.
ππ¦π©π¨π«πππ§π ππ¨ππ’ππ!
π»ππ πππ ππ ππππ πππππ, ππππ, πππ
πππππ ππππ
ππ πππππππππ
ππππππ
π ππ ππππππππππππ πππππ πππππππππ ππ ππππππππ ππππππππππ
. π¬ππππππ πππππ
πππππππππ πππππ πππππππ ππππ ππ π
πππππππππππ
ππππ πππ πππππππππππ.