Butingting

Butingting Online Shopee • 101% Legit and trusted supplier

29/03/2022

Ano ang kwentong kape mo?

Nagsimula ang munting tindahan sa panahon ng Pandemya. Hindi ko inaasahan na KAPE ang magbibigay daan at liwanag sa aking pangarap na negosyo. Bagamat kulang sa kaalaman, nagsumikap aralin at maghanap ng inspirasyon sa tulong ng social media.

Walang madali sa umpisa, dugo't pawis ang iaalay mo para makarating sa inaasam. Pero naniniwala ako na kapag minahal mo ang bagay na ginagawa mo ngayon, hindi na ito magiging mahirap.

Minahal ko kasi eh.

Minahal ko ang pagtitimpla ng KAPE. Halos magdadalawang taon na rin nang simulan ko itong pagaralan. Ilang beses din akong pumalpak. Ilang brewing method din ang aking sinubukan. Heto, maipagmamalaki ko nang tunay.

Halika sa Douce Celeste Cafe, ipapatikim ko sayo ang kape na hahanap hanapin mo.
Ang kape na ginugol ng ilang taon para masabing "PERFECT ANG LASA SIS"

Kaya nagpapasalamat ako sa walang sawang suporta ng ating mga parokyano. Dumadami na po ang nagmamahal kay Douce Celeste Cafe. Parami na ng parami ang bawat baso ng kape ang naibebenta kada araw.

Kaya ano ang dahilan at paano makakatulong sa amin ang GEMILAI 3200D?
Sobrang laki ng maitutulong sa amin ng machine na ito. Lalo na sa aming production ng kape, na kada araw ang buhos ng bili sa amin. At gusto pa namin makapagbigay saya sa ating mga parokyano na gamit ang GEMILAI 3200D, makakapagbigay kami ng masarap na kape na kakailanganin nila sa bawat pagsubok ng buhay.

Kaya para sa aming napapasaya kada araw, sana mapasaya nyo rin kami at ang buong team ng DOUCE CELESTE CAFE. 💛



Thank you C. District Coffee Essentials and Equipment. Happy 1st Anniversary 🎉

Address

Taytay

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Butingting posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category