08/08/2026
Keepsafe Everyone ππ»
MARAMING LUGAR SA CAVITE, LUBOG NA SA BAHA NGAYONG GABI
CAVITE β Ilang lugar sa lalawigan ng Cavite ang nakararanas ng pagbaha ngayong gabi, Agosto 8, kasunod ng patuloy na malakas na pag-ulan.
Kabilang sa mga lugar na naiulat na apektado ng pagbaha ang Bacoor, Kawit, Naic, Silang at Imus.
Sa ilang lugar, mabilis na tumataas ang tubig-baha at nakaaapekto na sa mga kalsada at komunidad. Pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga nasa low-lying at flood-prone areas, na manatiling alerto at bantayan ang mga abiso mula sa lokal na pamahalaan at mga awtoridad.
Pinag-iingat din ang mga motorista dahil maaaring maging mahirap o hindi madaanan ang ilang kalsada dahil sa mataas na tubig.
CaviteΓ±os, mag-ingat! Patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon at maging handa sakaling kailanganin ang paglikas.